NAKAKALOKAH NAMAN ITONG beteranong direktor na ‘to na hindi na busy dahil nga may sakit. Kagagaling lang sa stroke at nagpapagaling.
Ilang establishments na, lalo na ang mga resto, nagrereklamo sa ingay niya na nabubulahaw pati mga katabing customers.
Nu’ng isang araw, kumain ito sa Kalye Timog Resto (tapat ng Metrobank) at nag-eat-all-you-can na meryenda for only P149 net.
Tapos, parang siga raw na nagdayalog ng, “Senior citizen ako, tanggalin n’yo ang 20% diyan. At ayoko ng service charge. Magbibigay ako ng tip kung gusto ko, alisin n’yo ‘yan!
“At tanggalin n’yo rin ‘yung 12% VAT. Kilala n’yo ba kung sino ako?” Ganyan daw magsalita. Pati ‘yung disenyo ng resto, pinakikialaman.
“42% na lahat ang kaltas. Kaya kami na ang nagmagandang loob na ‘wag na niyang bayaran at on us na lang, sabi ba naman, ‘Hindi, babayaran ko!”
Kung anu-ano na raw ang pinakawalang salita na nakakahiya rin sa mga kumakain doon. Halagang P149 na may less 42%, nagano’n pa sila ni direk.
Baka nga maintindihan ko pa si direk, kaso, noon pa, may reklamo nang ganito sa kanya. Gano’n ba talaga? ‘Di ba, dapat, na-stroke ka na, imbes na sumalbahe ka, babait ka pa?
Hindi na po namin sasabihin pa ang masasakit na salitang binitiwan ni Direk, kasi nga, “pang-GP” ang ating blind item.
(Ogie Diaz)