SINGER/ACTOR MARKKI Stroem, actor/commercial model RK Bagatsing and character actor Archie Alemania play gay roles in Slumber Party, a comedy film directed by Emman dela Cruz. Sa nasabing indie film, tatlong beses na-nominate si Markki for Best New Actor sa iba’t ibang award-giving bodies. Na-nominate rin siyang Best Actor sa Cinema One last year. Inamin ng hunk actor na nahirapan siyaNG mag-portray ng gay role. Weird nga raw dahil hindi naman siya comedian pero napansin ang galing niya sa pag-arte.
Aside sa pagiging singer/actor, may sariling production company si Markki, Generation M. Kailan lang ini-launch ang first solo album niya entitled “Thousands Of Pieces”, eight original songs composed by Markki Stroem. Nanggaling siya sa Pilipinas Got Talent bago naging artista.
“Nag-start ako as a singer. Okay naman. Tapos may movie offer na dumating, maganda naman ‘yung project at challenging ‘yung role kaya tinanggap ko. Sinubukan kong maging artista, nagustuhan ko naman. Nagtuluy-tuloy, naka- apat akong movie project this year, “Amor”, “Raketeros”, “Slumber Party”, at “10,000 Hours” na drug addict ang role ko rito with Robin Padilla,” aniya.
Ikinuwento ni Markki na ang Generation M ay nagko-cover ng wedding, birthday, anniversary, product launching, music video, etc. Personal niya itong sinu-surpervise.
“Actually, nagdi-direk rin ako. May team akong gumagawa ng video. May plano rin ang binata na mag-produce ng indie film next year. Based on a true story, medyo may pagka-dark ang tema. Dream din niyang role ‘yung may psychological discorder, mala- Anthony Hopkins sa Hannibal. “Hindi mo lam kung ano ang kanilang iniisip, malalim silang tao.”
Ini-enjoy ni Markki ang pagiging actor dahil sa magagandang projects na dumarating sa kanya. Kapag tinatanong raw siya kung singing or acting ang first priority niya. Say ng hunk actor, “Actually, ang mistress ko ang acting. Ang wife ko ay ang singing. So, I’ve always go back sa singing. Pareho ko siyang gusto, singing ang acting. First 2 years ko puro singing, tapos, this year lang ako pumasok sa acting. Next year, gusto kong i-balance ‘yung singing and acting. “
Hindi inisip ni Markki kung makatutulong sa career niya nang mag-frontal ito sa indie film na Amor Y Muerte. Katuwiran niya, “It’s more on the artistic side, hindi naman sa career side kaya ko ginawa ‘yun. Wala kasi akong inhibition. ‘Pag movie, kailangan sa story, gagawin ko, isang beses. Pero hindi ko alam kung gagawin ko pa, next 2 years. Nagawa ko na, and I think, nag-grow ako as an actor.
“Nagawa ko na, magiging komportable na ako sa mga susunod kong role. Magiging madali na sa akin ang mga susunod na character na ipo-portray sa movie. Kahit may ganu’ng movie akong ginawa, nirerespeto naman ako ng mga tao. Okay naman sa family ko ‘yung daring scene na ginawa ko sa film. It’s the role, kailangan sa scene. For the love of what your doing.”
“Tatlong kaming magkakaibigan dito sa “Slumber Party”. Ang role ko rito, gay designer/ stylist na sosyal. Hindi naman sosyal, feeling social lang na bitchy ‘yung character ko. Marami akong kinausap na friends ko, Joey Samson (stylist/ designer), Francis Libiran (designer) at ‘yung mga friends ko sa ASAP. The story is base on friendship in gay community.”
Ayon kay Markki, nai-project niya nang tama ang pagiging gay designer/stylist sa tulong ni Direk Emman. “Si Direk, ang galing mag-motivate ng artista. Alam niya kung paano paaartihin ang actor sa set. Actually, based ito sa totoong characters – Elle (Markki), Jhana (Archie) and Phil (RK). Marami akong natutuhansa kanila. ‘Yung reaction, galaw, pati beki language kailangang pag-aralan mo, mahirap. Kailangan kong mag-grow at malaman kung papaano sila naging close sa isa’t isa as beki sa story. ‘Yung character ko, marami siyang insecurities, nakakainis. Pero malalaman ninyo before the ending kung bakit ganu’n ‘yung attitude niya, ‘yun.”
Playing the gay role in the film, pagdudahan kaya ang pagka-lalaki ni Markki? “Kapag pinagdudahan ako, effective ‘yung portrayal ko sa film. Kung hindi effective, sasabihin ng mga tao, hindi siya magaling umarte. Hindi niya kaya ‘yung gay role. Ako, komportable ako sa sarili ko, kaya kong gumanap ng iba’t ibang role.”
Ikinuwento ni Markki na naging waiter/ bartender siya noon sa Switzerland. Nagbalik-‘Pinas para hanapin ang suwerte. Hindi naman nabigo ang hunk actor, nang dahil sa PGT, nakilala at nagkapangalan ang binata. For 3 years in the industry, happy ni Markki sa nangyayari ngayon sa career nito.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield