NAKARATING sa amin ang usap-usapang sa isang sikat na komedyante, tungkol sa pagkakalulong nito diumano sa ipinagbabawal na gamot .
Sobrang nababahala ang pamilya ng komedyante. Pinag-uusapan na rin sa ngayon ang pagpapa-rehab sa kanya dahil naaalarma na ang kanyang pamilya.
Ito kaya ang dahilan kung bakit hindi nito sinisipot ang kanyang mga importanteng showbiz commitment . Napag-alaman namin na tumigil na raw ito dati sa kanyang bisyo, ngunit muling bumalik daw ulit.
Sayang naman, dahil nasa rurok na ng tagumpay ang kanyang career.
(Maica Tidila)