NEXT MONTH NA magsisilang si Andi Eigenmann ng isang baby girl. At ayon sa aktres, masaya siya dahil tapos na ang unos sa kanyang buhay. Ang importante raw ay kung paano siyang pinatibay ng mga nagdaang problema.
“I’m strong enough siguro dahil hindi ako pinabayaan ng family ko. At iyon ang ipinagpapasalamat ko nang malaki. Dahil kahit may ganitong nangyari, nariyan sila to support and guide me talaga. Kaya sobra-sobra talaga ang pagpapasalamat ko sa kanila,” ani Andi na nagsabing huwag na raw pag-usapan pa ang mga bagay na hindi dapat pag-usapan, partikular na si Albie Casiño or kahit na sino pang naging ex sa buhay ng aktres. Ang importante raw, masaya at marami siyang natutunan sa bago niyang mundo ngayon.
Ayon kay Andi, hindi naman daw siya tulad ng mga ordinaryong babae na maraming gustong kainin at kapag nariyan na sa kanilang harapan ang pagkain ay hindi kakainin. “Mas gusto ko ‘yung malalamig, water, ice cream and chololates, ‘yun lang ang parang gusting-gusto ko talaga. At siyempre ang matulog, kasi parang ang sarap-sarap talagang mag-rest,” tumatawang sabi pa ng dalaga.
Sinabi pa ni Andi na sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi nabawasan ang mga taong nasa likod niya. “’Yung friends ko, naririyan sila at ‘yung fans, instead na magalit sila sa akin eh, mas minahal nila ako ngayon. Siguro dahil nagpakatotoo lang ako at ginawa ko lang ang dapat kong gawin as a single mom, at wala naman po akong pinagsisihan dahil I”m already matured enough, 21 years old na po ako,” pag-amin pa ng aktres.
By November ay nakatakda nang isilang ni Andi ang anak at maraming magagandang plano ang aktres para rito. “Siguro ang una kong ituturo sa kanya ay kung paanong maging strong sa mga problema.”
MAGANDA ANG RESULTA ng first telecast ng Sa Ngalan ng Ina ni Nora Aunor, na nagpapatunay lang na mainit pa rin ang aktres. “At nagpapasalamat ako nang malaki dahil nandiyan pa rin ‘yung mga taong nagmamahal sa akin. Honestly, ang saya-saya at kuntento ako rito sa TV5. Sa kanila ko naramdaman ‘yung importansiya na hindi naibigay sa akin ng iba,” pahayag ni Mama Guy nang personal namin siyang kausapin kamakailan.
Sa totoo lang, maganda talaga ang nasabing mini-serye. Kaya lang, nakakatakot isipin na baka mangyari rin dito ang nangyari noon sa teleseryeng Ang Babaeng Hampaslupa na pinagbidahan ni Alex Gonzaga, kung saan maganda ang story at powerful ang main cast, pero dahil sa sobrang overtime ng programang Willing Willie (na ngayon ay Wil Time Bigtime na) ay baka muling antukin ang viewers ng Sa Ngalan ng Ina at makatulugan nilang manood ng nasabing comeback project ng Superstar… ay, sayang naman kung sakali!
Samantala, sobrang saya ni Nora ngayong nagkabati na sila ni Father Robert Reyes matapos na batikusin ang pagpo-pose niya nang may hawak na sigarilyo sa isang magazine. Ayon sa nag-iisang Superstar, hindi na importante kung paano silang nagkabati ni Father Reyes, ang mahalaga ang lahat ay magkakaibigan at ka-limutan na ang inggitan at intrigahan.
More Luck
by Morly Alinio