UNDERDOG ANG dating nga-yon ni Shaina Magdayao matapos na ipagpalit siya ni John Lloyd Cruz kay Angelica Panganiban.
Sa nakaraang Star Magic Ball, marami ang nakaramdam ng awa sa nakababatang kapatid ni Vina Morales, dahil malungkot daw itong nakatingin lang sa magsing-irog na John Lloyd at Angelica.
“Nakakaawa si Shaina. Pero now alam na niya ang feeling noon ni Ruffa Gutierrez,” sabi ng aming source.
Kung matatandaan, nang magkaroon kasi ng relasyon sina Shaina at John Lloyd last two years ago, sinasabing hindi pa break ang binata at si Ruffa that time.
“Honestly, masakit kay Ruffa ang nangyari. Pero look at her, naka-move on na siya at sana ganu’n din ang gawin ni Shaina. Dahil si John Lloyd ang klase ng lalaking hindi sumeseryoso sa relasyon,” sundot pa ng aming kausap.
Sa kabilang banda, ang hula naman ng premyadong psychic consultant na si Madam Venus, maging ang relasyong Angelica at John Lloyd ay mauuwi rin sa wala.
“Sa ngayon, hindi pa talaga seryoso si John. Pero darating ang pagkakataon na may makakabalikan itong isang babae na may kinalaman sa fashion,” na ang tinutukoy ni Madam Venus ay si Liz Uy.
Pero at the end daw, posibleng magkaanak lang sila at wala ring kasalang mangyayari. Sa nakikita ni Madam Venus, si John Lloyd ay magkakaroon lang ng mga anak sa ilang babae, pero wala itong pakakasalan isa man sa mga babaeng minahal. Second to Tito Dolphy (sumalangit nawa ang kaluluwa) si John Lloyd, ganu’n? Tsuk!
PINANGATAWANAN NA ni BB Gandanghari na patay na si Rustom Padilla. Kapag ang topic sa anumang usapin ay si Rustom, deadma ang aktor sa dating pagkatao at sa halip ay paulit ulit na sinasabi nitong hindi na kailanman babalik ang dating lalaking minahal at pinakasalanan ni Carmina Villaroel.
Si BB Gandanghari ay si Michico sa eco-fantasy na Enchanted Garden, na mapapanood pagkatapos ng Will Time Big Time ni Willie Revillame araw-araw, na nagsabing sina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga ang ilan sa mga lalaking puwedeng magpatibok sa pihikan niyang puso. Handa na raw kasing magmahal si BB Gandanghari at nag-aantay lang siya ng tamang lalaki, sa tamang panahon at pagkakataon upang siya ay umibig. Babae! Hahahaha!
Sa kabuuan, mariing sinabi ni BB, na ang kantidad ng isang tao ay hindi nasusukat sa kung ano ka, kundi sa kung paano kang makikitungo sa iyong kapwa at kung paano ka magpapakatao. At bilang tao, saludo kami kay BB.
CONDOLENCE KAY Derek Ramsay dahil sumakabilang buhay ang isa sa pinakamamahal niyang auntie. Samantala, wala na talagang panahon pa si Derek para magsalita ng mga bagay tungkol sa dating kasintahang si Angelica Panganiban, dahil feeling ng binata kahit nagpapakatotoo lang siya sa kanyang mga sinasabi, still nalalagyan iyon ng kakaibang kulay.
Kaya mas minabuti ng aktor na manahimik na lang. No comment na lang ang binata sa lantarang sweetness ngayon nina Angelica at John Lloyd Cruz.
Samantala, grabe ang eksenang Derek Ramsay at Andi Eignman, kung saan ay talop ang aktres sa ilang eksenang gagawin habang ang behind naman ni Derek ay pagpipiyesthan tiyak ng mga bading, matrona at kababaihan. Dito ipakikita ng binata hindi lang ang kanyang likuran, kundi maging ang kanyang bukurin. Teka… boldstar na ba ngayon si Derek? Hahahaha!
Anyway, sabi ni Derek, hindi raw ang mga love scene nila nina Anne Curtis at Andi ang ibebenta ng kanilang pelikula, kundi ang kabuuan ng kanilang movie, kung saan ay tiyak daw na magugustuhan ng mga mano-nood ang istorya ng pelikula.
More Luck
by Morly Alinio