[imagebrowser id=203]
ANG PLANONG pagsubasta ‘diumano sa mga nakum-piskang mga yamang alahas ng dating Unang Ginang Imelda Marcos sana ay maisip ng PCGG na ito ay isang yaman ng ating bansa at isa na itong national treasure na dapat ingatan at ilagay sa tamang museo upang ito ay mapangalagaan, katulad ng Metropolitan Museum.
Nakaw man o hindi, kung ang mga alahas na ito ay personal na gamit ni Ginang Imelda. Kung ano man ang tila madilim o maliwanag na kahapon ng ating bansa, dapat na maingatan ang mga ebidensiyang tulad nito, sapagkat ito ay historical artifacts para sa ating mamamayang Pilipino at sa mga darating pang henerasyon. Maaari rin itong gawing isang tourist attraction.
Mula sa Batac, Ilocos Norte ay tinutulan diumano ng Ginang Marcos ang pagsusubasta sa treasures na ito sa pamamagitan ng pagre-request ng temporary restraining order. Maraming nagkaka-intres dito hindi dahil sa mamahaling halaga nito kundi dahil isa na itong national treasure, dahil pag-aari ito ng hindi basta isang karaniwang babae kundi minsan naging ina ng ating bansa na kilalang-kilala rin maging sa ibang bansa.
Ang kontrobersyal na pangalang Marcos, ang mga pangyayaring gumuhit sa kasaysayan ng ating bansa sa panunungkulan ng kanyang asawa, si dating Presidente Ferdinand Marcos, at sa pamosong pamumuhay ni Imelda na “lavish living” ay marahil siyang magpapataas ng “attraction value” ng mga alahas, upang ito ay dayuhin ng mga turista sakaling ito man ay magdesisyonang ilagay nga sa isang museo.
Pinaniniwalaan ko na kung totoong ito ay nakaw ng mga Marcos sa sambayanang Pilipino ay pag-aari ito ng gobyerno ng ating bansa. Dapat lamang protektahan at mailagay sa tamang proseso at may transparency. Ano man ang gagawin nilang desisyon dito. Ang nasabi bang nakaw na gamit kung ibebenta ito, mayroon pa kayang ebidensiya para sa magnanakaw nito?
Hangang ngayon ay hindi pa ito napapatunayan, nagpalit-palit na nga lamang ang mga pangulo ngunit ang kaso sa nasabing unang ginang at sa mga alahas, tila hindi pa nabibigyan ng verdict ng Korte Suprema. Kung ninakaw nga ito at ang nakaw na ito ay ibebenta, may batas tayong bawal ang bibili ng mula sa nakaw, kaya maaaring masangkot at makasuhan din ang tao o grupong nagbenta nito. Samantala, masasangkot din kaya ang mga bibili sa mga nga nakaw sa mga alahas na ito?
At kung ang isang magnanakaw bago sabihing siya ay guilty ng korte, kailangang may matitibay at sapat na ebidensya at mapatunayang ang naakusahan nga ay nagkasala. Kung mawawala ang mga ebidensya ng sinabing nakaw ni Imelda, papaano pa mapatunayan na ito ay nakaw nga? Hindi ba lalabas na kakatwa ito? Sapagkat my prior judgment at verdict na ang PCGG bago pa man makuha ng final na desisyon ng korte? Para bang akusado pa lang naging kondenado na.
Samantala ipinahayag ni Senator Bongbong Marcos ang pagkadismaya sa sinabing nakaw na alahas. Aniya: “I have no idea how many pieces are no longer accounted for but when we once asked for the list from the PCGG, my mother noted that many were not on the list.”
Kasunod nito sinabi niya sa mga mamahayag na ayon kay Imelda, ‘Bakit konti na lang ‘yun?’
Minsan tinanong daw ni Senator Bongbong si Imelda, kung ano nga ba ang gagawin sa mga koleksyong alahas niya. Sinabi raw ng kanyang ina na dapat itong i-display upang makita ng sambayanang Pilipino. Sana ay magawan ito ng paraan upang hindi tuluyang maibenta at mawala sa kasaysayan nang tuluyan.
Ito and larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email: [email protected]; cp. 09301457621; Tel. 382-9838
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected] and/ or [email protected].
ni Maestro Orobia.