0929181xxxx – Idol Raffy, pakipukpok naman ang mga kinauukulan dito sa amin sa Taguig-C5 dahil sa talamak na nakawan ng diesel dito. Dati ay sa mga trak sila nag-aabang para manakawan ng diesel, ngayon kami nang may mga sasakyan ang ninanakawan ng nagbebenta. Ninanakaw ang mga diesel namin pagkatapos ay ibinibenta nila sa mga sasakyan. Matagal na po namin itong ini-rereklamo sa kinauukulan ngunit hanggang ngayon ay wala pang aksyon. Pakitulungan naman po kami. Salamat po.
0948534xxxx – Sir, isa po akong concerned citizen at nais ko pong ipakalampag sa inyo ang mga kinauukulan dito sa Bicutan dahil sa talamak na nagaganap na pandurukot sa bus station. Marami na pong mga biktima ang nagrereklamo ngunit hindi kayang aksyunan ng barangay dito.
0915324xxxx – Sir Raffy, noong isang araw po ay hinarang iyong truck ng lipat-bahay na nirentahan namin. Tiniketan kami at noong magtanong ako kung ano ang violation namin may sinabi po siyang city ordinance. Nanghihingi po ako sa kanila ng documents regarding sa sinasabi nilang city ordinance na nilabag namin pero wala silang maipakita. Nag-research po ako sa mga city ordinance ng Muntinlupa regarding to transportation pero wala po akong nakitang ordinance regarding sa itiniket sa amin. Ayaw po nilang i-release ang lisensiya ng driver at kailangan daw naming magbayad ng two thousand five hundred pesos. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat.
0921281xxxx – Idol, isasangguni ko lamang po sa inyo ang ginawa ng isang pulis na nagpa-ticket sa lisensiya ko dahil sa personal na reason. Wala po siyang paniket kaya ipinasa po niya ako sa isang enforcer. Hindi po ba mali ang ginawa niya?
0999655xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen ng Pandan, Antique at nais ko pong ireklamo sa inyo ang tungkol po sa tulay namin sa Talisay na noong bagyong Frank pa inanod ngunit hanggang ngayon ay di pa pinapaayos. Ang concern ko lang po kasi ay ang mga bata na pumapasok sa eskuwelahan kasi wala po silang ibang madaanan kahit umuulan at baha ay sige pa rin sila sa pagpasok. Sana ay maaksyunan naman po kasi ilang beses na po kaming humingi ng tulong sa mga may posisyon dito sa amin ngunit iba-iba ang mga dahilan nila. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat po.
0927377xxxx – Sir, papatulong lang po, kasi dito sa Anabu II Elementary School sa Imus, Cavite ay may sinisingil na tig-one hundred pesos bawat student, mula sa kinder 2 hanggang sa grade 6. Para raw po pambili ng TV at CD player na gagamitin daw sa pag-aaral ng mga estudyante. Marami pong umaangal na magulang lalo na po sa ilan ang anak na nag-aaral. Alam po kaya ng DepEd ang paniningil na ito?
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa channel 41.
Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo