Namatay Nang Tapos na ang Kontrata

AKO PO ay asawa ng isang marino na namatay dahil sa sakit. Namatay po siya dahil na pre-terminated daw ang kanyang kontrata dahil nga sa kanyang sakit. May habol pa po ba ako sa mga benepisyo niya? Sabi ng employer, wala na raw kaming habol dahil tapos na ang kontrata at walang kinalaman ang pagkamatay niya sa kanyang trabaho. — Katrina ng Tuguegarao City

 

UNA MUNA, sinabi mo na pre-terminated ang kontrata niya. Ang ibig sabihin, dahil sa kanyang pagkakasakit, tinapos  agad ang bisa ng kontrata bago pa man abutin nito ang katapusan ng effectivity. May pananagutan pa rin ang employer sa pagkamatay ng marino. Kaya naudlot ang kanyang kontrata ay dahil sa pagkakasakit. May kinalaman sa trabaho o “work-related” ang kanyang sinapit. May katuwiran ka na makakuha ng claim.

Pangalawa, dati-rati’y kinakailangang patunayang work-related ang sakit o disgrasya ng worker bago makahabol sa employer. Dati-rati, tungkulin pa ng manggagawa na patunayan na tuwirang may kinalaman ang sakit o disgrasya niya sa kanyang ginagawang trabaho.

Nabago na ang doktrinang ito. Ayon sa ating husgado, ipinagpapalagay na may kinalaman sa trabaho o “presumed work-related” ang sakit o disgrasya ng manggagawa. Nasa employer ang pananagutan na patunayang hindi work-related ang nasabing sakit o disgrasya.

Gayundin ang umiiral na batas sa mga OFW. Anuman ang mangyari sa OFW sa panahon na may kontrata siya ay ipagpapalagay na “work-related” iyon at makakakuha ng claim ang manggagawa o ang kanyang kamag-anak.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].  

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleAndi Eigenmann, tanggap na ang pagiging dalagang ina!
Next articleP-NOY, Idol si PGMA sa Pag-aalaga ng Basurang Kalihim

No posts to display