Namayapang aktor na si Kristofer King, waging Best Actor sa AIFFA 2019

Kristofer King

ANG namayapang aktor na si Kristofer King ang nanalong best actor sa ginanap na Asian International Film Festival & Awards (AIFFA) 2019 sa Kuching, Malaysiya nung April 27.

Sayang at hindi na naabutan ng indie actor ang kanyang international best actor recognition dahil sa maagang pagpanaw last Feb. 23, 2019 dahil sa komplikasyon sa diabetes.

Nanalo si Kristofer sa AIFFA sa kanyang markadong pagganap para sa pelikulang Kristo.

Ang director ng Kristo na si Howard Yambao ang tumanggap ng trophy ni Kristofer.

Namayagpag ang career ni Kristofer sa mga indie films na Masahista na pinagbidahan ni Coco Martin, Foster Child, Tirador, Serbis at Captive na idinirek ni Brillante Mendoza.

Ang iba pang nanalo sa AIFFA 2019 mula sa Pilipinas ay sina Barbara Miguel (Best Supporting Actress) for 1-2-3 at ang Signal Rock (Best Picture) ni Direk Chito Rono.

Ten ASEAN countries ang sumali sa Asian International Film Festival & Awards (AIFFA 2019) na ginaganap every three years sa Malaysia.

 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleJohn Arcilla, all out ang papuri kay Sharon Cuneta
Next articleER Ejercito, hindi disqualified sa pagtakbong gobernador sa Laguna

No posts to display