TWO YEARS na raw zero ang lovelife ng isa sa pambatong leadingman ng Kapuso Network na si JC Tiuseco.
Ayon nga rito, mas okey na raw ang solo flight sa ngayon, para na rin makapag-focus siya sa kanyang trabaho. Pero very honest naman nitong sinabi na minsan ay nami-miss niya raw na magkaroon ng girlfriend lalo na kapag nakakakita siya ng mag-syota na masayang magkasama. Nami-miss niya raw ‘yung sabay silang kumakain sa labas ng kanyang mga ex-GF at nakakasama at nakakausap sa mga lakaran.
Pero naniniwala naman daw si JC na dara-ting din ang time na matatagpuan niya ang babaeng magpapatibok muli ng kanyang puso. At gusto nga raw nito ang babaeng medyo Tsinita, malakas daw ang dating ng mga Tsinita kay JC.
MASAYANG IBINALITA ng award-winning director at isa sa maituturing naming tunay na kaibi-gan na si Direk Louie Ignacio na finalist ang kanyang idinirihe at sinulat na short film na “Hating Kapatid So Lucky” ng Columbia Manufacturing na produced ng GMA Marketing sa isang prestigious award-giving body sa ibang bansa.
Kuwento pa nga ni Direk Louie, mula 10,800 entries around the world, na-trim na ito sa 6 finalists, at kasama nga ang kanyang obra maestra, at ang Philippines lang ang nakapasok among Asian Countries.
Sobra-sobrang pasasalamat nga ni Direk Louie kay Mama Mary at kay Lord Jesus Christ dahil sa bagong achievement na kanyang natanggap. Okey na nga raw kay Direk ang maging finalist siya, pero sana raw ay manalo ng gold.
MARIING PINABULAANAN ni Megastar Sharon Cuneta ang napapabalitang malapit-lapit nang masibak ang kanyang show sa TV5, dahil na rin sa mababang ratings na nakukuha nito. Ayon nga kay Sharon, nakipag-usap na siya sa pamunuan ng TV5 at walang katotohanan ang nasabing balita.
Dagdag pa ni Mega na gawa-gawa lang daw ito ng kanyang mga detractor na patuloy siyang ibinabagsak. Kaya naman daw ito rin ang dahilan kung bakit lately ay nagiging palaban na rin siya sa pagsagot sa mga bumabatikos sa kanya sa Twitter.
Tsika nga ni Megastar na palaban na siya nga-yon sa mga umiintriga sa kanya. Nauntog na raw siya sa lagi na lang pagbatikos sa kanya. Okey lang daw kung siya lang ang babatikusin, pero kapag pamilya na raw ang idinadamay ay ibang usapan na ito. Kaya naman daw ngayon ay natuto na rin siyang lumaban.
MASAYANG-MASAYA ANG tweenstar na si Kristoffer Martin sa dami ng nanood ng kanyang pinagbibidahang indie film along with Kristoffer King, ang Oros mula sa direksiyon ni Paul Sta. Ana sa gala screening nito sa CCP Main Theater.
Dumalo rin sa nasabing screening ang iba pang casts ng Oros sa pangunguna ni Kristoffer King, Tanya Gomez, Kim Komatsu, atbp. Sumuporta rin ang big boss ng GMA Films at co-producer ng Oros na si Mr. Joey Abacan at Ms. Tracy, kasama ang tweenstar na si Joyce Ching.
Namataan din naming nanood si Mr. Noel Ferrer, Ricky Lee, Direk Manny Valera, Direk Laurice Guillen, F & S Tailor owner na si Mr. Jovan Dela Cruz, kasama ang kaibigan nitong si Larry ng AMA, atbp. After the screening ay isa lang ang namutawi sa bibig ng mga nanood ng Oros na maganda ang pagkakagawa at pagkakasulat ng istorya ni Direk Paul dito, at pulos mahuhusay ang artistang nakasama rito mula sa lead actors nito na sina Kristoffer King at Kristoffer Martin na malaki ang laban sa Best Actor category.
At sa hindi pa nakakapanood ng Oros, mapapanood ninyo ito sa: July 25, Wed, 4:00 PM – Greenbelt 3 (Cinema 5)/ 9:00 PM – CCP Little Theater; July 26, Thur, 12:45 PM – CCP Main Theater / 9:00 PM – Greenbelt 3 (Cinema 3); July 27, Fri, 9:00 PM – Greenbelt 3 (Cinema 5); at sa July 28 Sat: 10:00 AM – CCP Studio Theater / 4:00 PM – Greenbelt 3 (Cinema 3).
John’s Point
by John Fontanilla