Nananakit na teacher!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Ako po ay isang concerned parent dito sa Quirino, Isabela at ilalapit ko lang po sa inyo ang problema ko sa guro ng anak ko dahil nananakit at nambabatok. Iyong anak ko nga po ay sinabunutan at hinampas sa likod. Sana po ay madisiplina ang gurong ito at matigil na ang pinaggagawa niya. Salamat po.

Irereklamo lang po namin ang sapilitang panghihingi ng P100.00 sa bawat bata para umano sa pampagawa ng lababo sa classroom sa Tayuman Elementary School.

Irereklamo ko lang po ang Poblacion Elementary School sa Kawit, Cavite dahil naniningil po ng P70.00 sa mga estudyante para pambili raw ng pintura.

Isa po akong parent ng isang estudyante sa F. Benitez Elementary School sa Brgy. Sta. Cruz, Makati City. Kinausap kami ng parents na officer ng klase at humihingi sila ng P250.00 para pampagawa ng cabinet at pambili ng walis.

Irereklamo ko lang po ang teacher ng mga anak ko na naniningil ng P70.00 para pambili raw ng pintura na gagamitin sa mga upuan ng classroom nila. Dito po ito sa Poblacion Elementary School sa Kawit, Cavite.

Concern ko lang po iyong eskuwelahan sa Brgy. Avanceña sa Koronadal City dahil naniningil sila ng P600.00 sa bawat estudyante taun-taun. Isa pong public elementary school ang nasabing eskuwelahan.

Pakiaksyunan naman po rito sa Socorro Elementary sa Surigao del Norte dahil humihingi sila ng P70.00 para raw pampagawa ng lamesa at bangko sa classroom.

Irereklamo ko lang po ang teacher ng anak ko sa C.P. Sta. Teresa Elementary School dito sa Taguig City dahil naniningil po siya ng P150.00 – P200.00 para pambili raw ng TV.

Isa po akong concerned parent dito sa Mangga, Candaba, Pampanga. Mayroong bagong tayong high school dito at noong nakaraang taon lang siya nagsimula. Maroon silang sinisingil na authorized voluntary contribution kung tawagin nila, sa DepEd daw po ‘yon galing at aabot ng P765.00 ang bayarin namin ngayong school year. Sabi ng mga teacher ay wala pong budget na Maintenance and Other Operating Expenses na matatanggap ang eskuwelahan galing sa DepEd kaya sila naniningil. Kahit sa elementary po ay may singilan din na P300.00 kada bata.

Ilalapit ko lang po sa inyo ang matagal na naming problema dito sa aming lugar dahil sa sobrang alikabok na nanggagaling sa planta ng semento. Kawawa naman ang mga bata at matatanda na hindi na nawalan ng ubo dahil sa nalalanghap naming alikabok.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleMaine Mendoza, masyadong mapagkunwari
Next articleAdelle Ibarientos-Lim, versatile actress; bida sa stage musical na “Katips”

No posts to display