A DEVASTATING magnitude 7.2 earthquake recently struck provinces in Central Visayas and some parts of Mindanao particularly in Bohol and Cebu. People were caught unprepared when the earthquake attacked like a thief at midnight. Hanggang ngayon ay may mga aftershocks pa ring nararamdaman sa mga lugar na sinalanta ng lindol. Several lives and properties were lost including centuries-old churches that were reduced to rubble.
The cast and crew of Banana Split were not spared from the horrendous experience. What should have been a happy out-of-town taping in Bohol turned out to be a nightmare for all of them. Katatapos lang nilang mag-almusal sa isang resort-restaurant nang yumanig ang lindol. Nakuhanan pa ni Jason Gainza sa kanyang cellphone ang mga nakagigimbal na pangyayari.
Kuwento ni Angelica Panganiban sa Buzz ng Bayan, akala niya katapusan na niya nang maramdaman ang pagyanig. She got terrified when she saw people outside their bus running and screaming for help. Hindi madali para sa kanya ang kanilang pinagdaanan. Bakas sa kanyang mukha ang kaba at pag-aalala nang siya ay makuhanan ng kamera after the quake.
She recalled, “Talagang tinatapon kami sa loob ng bus. Pagbaba namin, pa-recover pa lang kami tapos biglang may lalaking tumatakbo sa likod namin galing ng beach tapos sabi niya nawala iyong tubig.”
Even in times of panic ay nagawa pa niyang mag-text sa kanyang mommy at kay John Lloyd (Cruz) para sabihin kung ano ang nangyayari. “Noong nagkakatakbuhan na, tumawag ako kay Lloydie tapos parang nagpapaalam na ako, sabi ko ‘Mamamatay na kami, mamamatay na ako. Lumilindol dito mamamatay na kami.’ Akala mo talaga katapusan mo na. Nagpapasalamat lang ako na sa pinagdaanan namin, kumpleto kaming nakauwi.”
The cast and production crew of Banana Split have undergone stress debriefing.
Let’s all help people affected by the earthquake. We can donate in cash or in-kind. At magdasal tayo na sana ay wala nang mga kalamidad gaya ng lindol at bagyo which would damage homes, communities, properties and life.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda