TAGA-TAYTAY SI Toni Gonzaga. Isa ito sa lugar na labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha last week. Kaya naman ang kanyang pamilya, nagsagawa ng feeding program at relief operation sa pangu-nguna ng kanyang ama na konsehal sa nasabing bayan.
Dapat daw sana ay kasama siya ng kanyang pamilya sa ginagawang pagtulong sa mga kalugar nilang nasalanta ng bahay. Pero nagkasakit siya.
“Nasa hospital ako simula Sunday (August 5) hanggang Thursday (August 9). Nagkaroon ng problem ‘yong stomach ko. Naging swollen. Nagkaroon ng bacteria. Ang resulta, hindi nagpa-function ‘yong intestine ko para mag-digest. Para siyang na-stroke, kumbaga. Ngayon, under medication pa ako for two months. Ang daming bawal kainin like ‘yong mga spicy at mga mamantika. Bawal din ang salad. Tapos bawal din ako mabusog. Do’n ako nalungkot. Bawal na akong mabusog. Pakonti-konting kain na lang dahil hindi ako puwedeng mabusog.”
Sa panahong naka-confine siya sa hospital, hindi raw nakadalaw ang boyfriend niyang si Direk Paul Soriano. Nag-attempt daw ito, pero na-stranded sa baha kaya hindi na siya napuntahan.
“Baha sa lugar nila sa South. Hindi siya makatawid. Lubog ang lugar nila sa Parañaque. Baha kahit saan siya pumunta,” kuwento pa ni Toni.
MALAPIT NA ang Bench anniversary event at maging ang Cosmo Bash. At pinaghahandaan daw ito ni Enzo Pineda.
“I’m sure na marami ang nag-aabang,” aniya nang makakuwentuhan namin sa Party Pilipinas. “And I promise to do something special.”
Sa Bench event, okey lang daw sa kanya na rumampa onstage na naka-underwear lang.
“I take it as a challenge. And personally, it pushes me to have a better body, to have a better lifestyle, ma-ging mas healthy ako. And of course it also adds up to your confidence. Alam mo ‘yong ‘pag fit ka, maganda ‘yong katawan mo, ang sarap ng feelings, eh. Sa trabaho, it give you extra energy, and confidence. I think I’m gonna pull it off. And… kayang-kaya ko ‘yon.”
Sa Cosmo Bash,
willing din daw siya na mas ma-ging daring pa.
“Since last year nasa Cosmo Bachelor ako… top 10. So, puwede kong masabi na alumni na ako. Pero I think mas masaya ang Cosmo Bash this year. Lalo na, lumabas ‘yong Bench Body endorsement ko. Which I’m so happy. So I’m looking forward to it.”
Kung ready na siyang magpakita ng hubad na katawan, handa na rin kaya siyang sumalang sa mga intimate o daring scenes onscreen?
“Of course, there has to be a limit sa mga ginagawa ko rin. Parang it has to be… may limit nga pero at the sane time, teasing pa rin. But I’m not over-doing it na iba na ‘yong dating sa mga tao.”
Last Sunday, August 12 ang 22nd birthday ni Enzo. Matapos mag-celebrate sa Party Pilipinas, nag-dinner lang siya with his family.
Kesa raw gumatos siya para sa isang birthday party, naisipan niyang mag-donate na lang ng cash at relief goods sa mga nasalanta ng baha sa Parañaque at sa Marikina. Personal niyang inihatid ang kanyang tulong sa mga nasabing lugar last Wednesday and Thursday (August 8 and 9).
“Ang dami kong blessings na nakukuha. And may mga ibang tao na nangangailangan. So mas mabuti pa na tulungan ko na lang sila. Mas nakaka-relieve ang feeling. Kasi alam kong mas kailangan nila ito kesa kailangan kong mag-celebrate sa birthday ko, eh. So mas masaya ako na napangiti ko ang mga tao. Natulungan ko sila.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan