Nang malamang annulled na kay Kris Aquino James Yap, daig pa ang nabunutan ng tinik!

NO TWO siblings are alike.

Separately, sa kasalukuyang panahon ay direct opposite ang mga kaganapan sa personal na buhay ng magkapatid na Pangulong Noynoy at Kris Aquino. Palibhasa marahil, even born to the same parents, they differ in more ways than one.

At the recent 25th anniversary celebration of the Philippine Information Agency, kinuyog ng mga non-showbiz reporter si Noynoy. Isa sa mga ipinukol nilang tanong sa ambush interview ay tungkol sa kanila ng Korean TV personality na si Grace Lee.

Invoking his constitutional right to privacy, tanging “We’re seeing each other… I’ll leave it at that” ang tugon ng Pangulo.  His admission made Grace admittedly surprised.

If the scenario involved Kris, for sure, she would not give the bunch of reporters a hard time going back to their respective editorial offices news-empty-handed. Knowing Kris, sa kanya na mismo manggagaling ang gustong malaman ng mga reporter, and her answer is expectedly kilometric.

Presently, magkasalungat ang takbo ng mga personal na buhay ng magkapatid. While Noynoy seems to have hopefully found his Ms. Right (based on feng shui sa kung ano ang maaaring maganap sa kanyang lovelife this Year of the Water Dragon), Kris is now waving her flag of independence as a result of her officially annulled marriage to James Yap (na minadali nga ba considering that the court decision was handed down less than two years since the case was filed, unlike most estranged couples whose similar cases have rotten at the dockets?).

Pero ‘di tulad sa kaso ni Noynoy na isang dipa na lang ang layo mula sa pangarap niyang “jill-pot” (as opposed to jackpot), Kris has a lot of catching up to do. Being back to square one, mukhang mas mauuna pang makatagpo si James ng bagong mamahalin (at magmamahal din sa kanya).

Sa sobrang excitement coupled with disbelief ni James nang malamang annulled na ang kasal nila ni Kris, it appears that a much bigger thorn was removed off his chest.

Samantala, Kris turns 41 this February 14. Sa lengguwahe ng jueteng, “pompyang” ang tawag sa nirambol na numerong ito. Hanggang kailan magsusugal si Kris sa larangan ng pag-ibig, matagpuan lang niya ang winning combination?

NARITO ANG non-primetime ratings noong Sabado: Startalk TX (4.7%), Showbiz Inside Report (3.0%), TV5 Sine (3.8%).

Speaking for Startalk TX (bilang senior staff nito), tinapatan ito ng bagong programa that replaced Entertainment Live.  Our show does not care much about the Tagalized movie na matagal nang itinapat sa amin, as this is of a different genre.

But based on the figures, Startalk TX remains head and shoulders above its rival programs. Mara-ming salamat po sa patuloy n’yong pagtangkilik ng longest-running showbiz-oriented talk show na ito which has continued to show its resilience like bamboo.

‘Yun nga lang, never naipit ang mga paa ng Startalk TX sa mga magkakrus na kawayan kumbaga sa sayaw na tinikling, as we have managed to be up on our feet.

ABANGAN NGAYONG Biyernes sa Face To Face ang episode titled Batang Laki Sa Lola, Isinusumpa Ng Buong Angkan… Dahil Pagnanakaw, Ginawa Nang Liba-ngan! Isinusuka raw sa kanilang barangay si Marlon dahil kahit timba, kaldero, kalapati at briefs ay pinipitik niya, bukod pa sa mga pera, relo at cellphone ng mga kaanak.

Pero kinukunsinti raw ng kanyang Lola Mereng si Marlon, bakit daw sa tuwing may mga nawawalang gamit ang mga pinsan nito ay ang apo niya ang pinagdidiskitahan? Itinanggi kasi ni Marlon na isa siyang magnanakaw… in most cases, kelan ba naman umamin sa krimen ang isang kriminal?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 25 February 8 – 9, 2012 Out Now!
Next article‘Di na kasi p’wedeng maging doktor Hayden Kho, tuluy-tuloy na ang pag-aartista?!

No posts to display