NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Sir, gabi-gabi po akong dumaraan dito sa 6th Avenue sa West Caloocan City, papuntang pier. Dito po nakaabang ang mga pulis Caloocan na nangongotong sa mga truck na dumaraan. Pinapara nila ang mga truck na kursunada nila at hahanapan ng kung anu-anong violation. Kung walang makitang violation ay sasabihin na lang sa driver na, “O, wala ba tayong pangkape riyan.”
- Ako po ay isang ina na humihingi ng tulong ninyo. Nanay po ako ng isang babae sa Sto. Cristo Elementary Schoool sa San Jose Del Monte, Bulacan. Kung maaari sana ay pakiimbestigahan ang isang guro sa Grade 6 para malaman n’yo rin na nagsasabi ako ng totoo. Halos ayaw nang pumasok ng anak ko dahil sa pananakit at pagmumura ng gurong ito. Madalas silang ginagawang katawa-tawa sa loob ng klase. Karamihan sa mga bata ay takot nang pumasok sa eskuwelahan dahil sa ginagawa ng nasabing guro. Naireport na po namin ito sa principal subalit malakas siya rito kaya hindi pinapansin ang aming reklamo. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming problema tungkol sa gurong ito.
- Reklamo lang po namin ang Taguig National High School dahil nanininigil ng P80.00 ang isang guro sa mga bagsak na estudyante. Tapos marami pa silang sinisingil sa mga estudyante na kailangan umano sa eskuwelahan.
- Irereklamo ko lang po ang Health Center ng Brgy. Pembo dahil ang donation po ay mandatory o obligado pong magbigay. Ang siste, may fixed price pa po na kailangang ibigay para sa donation.
- Isa po akong concerned parent sa San Mandelcar National High School sa Tagkawayan, Quezon. Isusumbong ko lang po na pinagbabayad ang mga estudyante ng P1,085.00 para raw sa banda.
- Isusumbong ko lang po ang mga humuhukay at kumukuha ng mga bato sa ilog sa Brgy, Dagatan, Dolores, Quezon. Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan upang maaksyunan po ang sumbong namin.
- Isang concerned citizen po ako, reklamo ko lang po ang madilim na daanan sa Cabuyao sa may NIA Road Banay-banay. Baka puwede pong matawag ang pansin ng local government para malagyan ng ilaw.
- Isusumbong ko lang po iyong Masambong Elementary School dahil nangongolekta sila ng P60.00 para sa dyaryo. Kapag ‘di makabayad ay hindi raw bibigyan ng grades. Noong nakaraang taon ay ganoon din ang ginawa nila
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapapanood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo