HINDI NAMAN makatulo-pawis ang maalinsangang araw na ‘yon, pero parang sorbetes na nalusaw ang isang batikang male broadcast journalist sa maiinit na pasaring ng isang napakalaking personalidad nang maging panauhin ito sa isang pagtitipon kamakailan.
Hindi lang isang respetadong mamamahayag ang aming “underdog character” sa kuwentong ito, he used to hold one of the highest government posts in the land. Tila sinamantala ng guest speaker ang pagkakataong resbakan niya ang taong ‘yon who, during the latter’s administration, was identified with a former female leader na siya ngayong binabanatan niya.
Naiimadyin na namin ang sobrang pagpahiya ng batikang mamamahayag habang walang-habas na naglilitanya ang guest speaker with his tirades against him. If the cameras had taken the latter’s reaction shots, for sure, a facial twitch here and there would reveal signs of disgust.
Tuloy, napagtanto ng maraming tagapakinig sa maangas na talumpating ‘yon ng inimbitahang tagapagsalita ang sagot sa kanilang nagkakaisang tanong: sino ba ang nakababata niyang kapatid na babae na sikat din sa kanyang larangan, na mahilig ding magpasaring sa kanyang mga nakakagalit?
Sino ang nagmana ng kataklesahan kanino, the eldest or the youngest? Don’t worry, kumbaga sa tumor, “benign” siya, Tasya Fantasya.
(By Ronnie Carrasco III)