MAGTATAPOS NA this week ang GMA Afternoon Prime show na ‘Asawa Ko, Karibal Ko’. Ito ay pinagbibidahan nina Kris Bernal, Rayver Cruz at Thea Tolentino.
Ang main selling point ng programa ay ang irony na ang asawa ni Rachel (Kris Bernal) na si Nathan (played by Jason Abalos) ay ang karibal niya ngayon sa puso ni Gavin (Rayver Cruz). Ang dati niyang asawa ay may bago nang katauhan bilang si Venus na effectively portrayed by Thea Tolentino.
Maliban kina Gladys Reyes at Katrina Halili, si Thea Tolentino ang isa sa “hakot-kontrabida” actress ng Kapuso network. Effective kasi ito at kaya niya gampanan ang mga mabibigat na eksena lalo na kung kailangan ng bonggang sigawan at dyombagan. Tila na-master na nito ang art of becoming an effective villain, huh!
Very promising ang umpisa ng programa. Unfortunately, like some of the teleseryes we have ay lumaylay ang kuwento nito lalo na nang gawin nilang super mean transgender with no conscience si Venus. Sa last week lang nakakabawi sa istorya ang programa.
Sa tingin namin ay deserve ni Thea Tolentino na makakuha ng award sa kanyang epektibong pagganap sa programa. Ang wish lang din namin ay maging light din ang next project nito para naman ma-enjoy nito ang kanyang prime age sa aktingan. Maganda rin sana kung mabigyan ito ng pagkakataon na magbida sa isang indie film para hindi nalilimitahan ang kanyang screen time.
Bukas na magtatapos ang ‘Asawa Ko, Karibal Ko’.