SIGURO, NAPUNO na si John Estrada sa mga patuloy pa ring patutsada sa kanya ng ex-wife na si Janice de Belen. Palagi kasing sinasabi ni Janice na hindi sinuportahan financially ng aktor ang kanilang mga anak.
Kaya naman hindi na kami nagtaka nang rumesbak na ito sa Ina Kapatid Anak star. Sabi niya sa ABS-CBNnews.com last Friday, “I think this is the right time. My kids are grown up. May utak na silang sarili nila. And gusto ko lang sabihin na never kong pinabayaan ang mga anak ko.”
Patuloy niyang pinanindigang nagbibigay siya ng sustento sa kanilang mga anak na itinakda ng korte. “’Yung sinasabi ni Janice na magiging okay kami if I support my kids, right, korte na po ang nagsasabi – kasi dinala niya ako sa korte na I didn’t contest – ito dapat ang ibigay mo sa mga anak mo, ‘yun talaga.
“Ano pa bang hindi tama na korte na nagsabi na ito dapat ang ibibigay ko sa mga anak ko? And I give more.
“I love my kids. Isa, nag-graduate na ng college na mula naghiwalay kami [ni Janice], ako nagbabayad ng tuition, medical, dental. May monthly sila, may pakotse pa sila. “Eh, bakit kailangan ko namang sabihin sa tao ‘yun? Bakit naman kailangang ipagyabang ‘yun o isiwalat sa publiko? Why?”
May mga pagkakataon naman daw na nali-late siya ng pagbibigay. “Totoo ‘yon, may times talaga na hindi ako sa oras, pero na-compensate iyon. Hindi ibig sabihin, hindi ako nagbibigay. Na-late ako, totoo ‘yon, pero hindi ibig sabihin hindi ko na-meet ‘yon through all these years. Thirteen years ang pinag-uusapan natin… Ganoon na ba tayo kababaw talaga?
“Masama ang loob ko, kasi through all these years… Believe me, marami akong pagkukulang sa mga anak ko. I’m not a perfect dad, but who isn’t?”
Siguro nga, dapat nang hindi na isinapubliko ni Janice kung ano mang merong tampo siya kay John dahil puwede naman nila itong pag-usapan nang hindi kailangan magpa-interview. Move on na tayo, ang tagal na ng hiwalayan n’yo, baka sabihin, hanggang ngayon si John pa rin ang nasa puso mo?
HINDI NAMIN kinaya ang tsikang sa 2016 ay patatakbuhin diumano si Kris Aquino sa pagka-bise presidente. Weeh, ‘di nga?
Aha, ‘yun ang tsika na mahigpit na tinuligsa ng retiradong arsobispong si Archbishop Oscar Cruz. Sa diskusyon namin sa radyo, (Cristy Ferminute, Raydo 5, 92.3 FM, daily 4 to 5:30 pm), lahat naman ay may karapatang tumakbo sa kahit anong posisyong kanyang naisin as long as may kapasidad at kayang mamuno. Lalim naman, pero I’m sure gets n’yo ‘yan dear readers. Dati kasi, ang bukambibig ni Krissy ay Senado, gusto niyang maging lawmaker. Pero dahil wala pa siya at nasa bonggang European tour kasama ang mga anak, hindi pa natin narinig ang kanyang panig tungkol dito.
Pero ang latest, ang pinsan niyang si Bam Aquino ay naniniwalang ma-ging magaling at mahusay na public servant ang kanyang pinsan sakaling pumasok nga ito sa pulitika.
Sa interview nito sa GMA, sinabi niyang, “Alam mo, kung malinis naman ang puso mo at gusto mo talagang manilbihan that already has the beginning of a good public servant.”
Dagdag pa ni Bam, “Alam ko may puso siya na gustong tumulong sa mga tao, yung public service mismo, again wala pa siyang nababanggit sa akin, pero in terms of helping other people ginagawa naman n’ya ‘yun.”
Dumating na si Kris last Friday kasama ang mga anak pero hindi siya nagpa-unlak ng panayam.
HINDI NAMIN kinaya ang walang patumanggang pagbibiro ni Joross Gamboa sa presscon ng Boracay Bodies na nagsimula na last Saturday, April 6. Kasi passé (as in hindi nakakatawa) ang kanyang mga jokes. Kahit hindi siya ang tinatanong, sabat siya nang sabat. Nagmo-moment siya on stage kahit hindi naman siya ang tinatanong ng mga kapatiran sa pananampalataya, I mean, kapatid natin sa panulat.
Kaibigan naman namin si Joross pero next time, behave na lang siguro, walo kasi kayong nasa presidential table, siyam pala, kasama ang host na si Phoemela, para akuin mo ang lahat ng oras ng pag-sagot at pagbibitaw ng joke na waley.
Sure na ‘to
By Arniel Serato