PARA HINDI maintriga, friendship daw ang magiging regalo ni Judy Ann Santos sa kanyang co-stars sa Si Enteng, Si Agimat at Si Ako na sina Sen. Bong Revilla at Bosing Vic Sotto ngayong Pasko.
Ayon kay Juday, wala na raw kasi siyang maisip na regalo, dahil alam naman daw nitong halos lahat ng bagay ay meron na sina Sen. Bong at Bosing Vic.
“Mahirap naman kung sabihin kong love and affection ang gift ko, baka maintriga ako,” natatawang biro ni Juday.
Alam daw ni Juday na iyon ang pinakamahalagang regalong puwede niyang ibigay kina Sen. Bong at Bosing Vic, dahil pang-habambuhay daw iyon, kumpara sa materyal na bagay na hindi pang-matagalan, at alam daw nito na maa-appreciate ng dalawa ang kanyang regalong friendship sa mga ito.
MARAMI NA ang nag-aabang sa pagpapalabas sa Dec. 25 ng isa sa entry sa Metro Manila Film Festival na El Presidente ng Scenema Concept Int’l na pinagbibidahan ni Gov. ER Ejercito.
Kasama nito sa pelikula sina Christopher de Leon, Cesar Montano, Cristine Reyes and Superstar Nora Anor mula sa direksiyon ni Mark Meily.
Three hours daw tatakbo ang pelikula, pero hindi raw maiinip ang mga manonood dahil siksik at liglig daw ito sa kaalaman na tiyak na magugustuhan ng mga manonood.
“Masisira ang essence ‘pag pinaigsian. Gustuhin man naming makipagsabayan sa ibang entries on the usual running time, but we believe more on the quality of the film. ‘Pag pinanood mo naman ang movie, hindi ka maiinip dahil bawat eksena ay may katuturan.
“The actors are all good and the story is fantastic. Kaya nga kami endorsed ng DepEd and Ched because sobrang tino ng movie. You should not miss this film. Dito natin matutunghayan ang mga bagay-bagay sa history books natin – why these things happened and so on and so forth.
“Ipakikita sa pelikula ang ilang mahahalagang kaganapan sa Philippine history natin during Gen. Emilio Aguinaldo’s time,” wika ni Gov. ER who is very proud of the whole film.
“Kung nagustuhan nila ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story movie namin last year, this is 10 times better and bigger. It’s truly awesome. It’s for you to see and judge,” pagtatapos ni Gov. ER.
HINDI DAW big threat at lalong hindi big deal para kay Vic Sotto ang balitang tatapatan ni Willie Revillame ang Eat Bulaga sa pagpasok ng 2013.
“Ah eh, that’s his option. Wala namang bago du’n, eh. I mean, dati na naman kaming magkasabay. So, mas marami siguro, mas masaya. Mas marami silang pagpipilian, ‘yung mga manonood sa tanghali.
“Sa akin, walang problema. Ang tagal na naming kasabay ‘yon. Okey lang. Walang dapat ikakaba,” kampanteng sagot ng Eat Bulaga host.
At kahit nga very vocal noon ang pagsasabi ni Willie na hinding-hindi na niya tatapatan muli ang Eat Bulaga, pero matunog ang balita ngayon na tuloy na tuloy na ang paglipat ng kanyang show sa tanghali.
“O eh, siya ang tanungin mo. Siya pala ang nagsabi nu’n, eh! Ako, wala naman akong sinabing hindi ko siya tatapatan.
“Siya, tanungin mo. Sabi niya, hindi niya kami tatapatan. Ngayon, tatapat na naman. Sabihin mo sa kanya, gusto niya ‘yun, eh!
“Pero no biggie. No big deal. I mean, nothing’s new. It’s nothing unexpected. Talagang gano’n. Seriously, we don’t even talk about it. Walang isyu. Walang bago,” pagtatapos ni Bosing Vic.
John’s Point
by John Fontanilla