NITONG NAKARAANG linggo ay tampok sa mga balita ang tungkol sa naganap na hostage-ta-king at terorismo sa Algeria. At kabilang ang ilang Pinoy sa mga na-hostage at naging casualty nang salakayin ng hukbo ng Algeria ang mga terorista na pumiiit sa mga manggagawa sa loob ng planta ng gas sa disyerto ng Algeria. Kasama ng mga Pinoy OFW ang ilan pang taga-UK, Pransya, Japan at iba pa. Nagsisimula pa lang ang krisis ay natanong na ang DFA kung may mga sangkot na Pinoy sa nasabing hostage-taking at kung sinu-sino sila. Ayon sa DFA, ibeberipika pa nila kung may mga nadamay na Pinoy. Hanggang ngayon, hindi pa alam ng DFA kung ilan ang tiyak na bilang at mga pangalan ng mga OFW na nandu’n. Bakit?
EH PAANO’Y wala pa rin tayong sistema ng masinop na pagtatala at pag-monitor ng mga OFW sa ibang bansa. Mauunawaan natin ito dahil maraming mga OFW ang undocumented at hindi lumalabas sa tala ng ating DFA o DOLE. Pero ang mga manggagawa sa gas plant na ito ng Algeria ay mga skilled at malamang ay documented na Pinoy kaya nakapagtataka kung wala tayong rekord ng mga ito. Sana maayos na natin ang problemang ito bago dumating ang mas matin-ding krisis.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo