NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isa po akong concerned citizen dito sa amin sa Hagonoy, Davao del Sur, isusumbong ko lang po na hanggang ngayon ay hindi pa ibinibigay ng COMELEC sa aming mga Board of Election Inspectors ang aming mga honorarium.
Ipaaalam ko lang po sa inyo na mayroon isang traffic light dito sa Brgy. Langkaan 1 sa Dasmariñas, Cavite na hindi naman napakikinabangan dahil palaging sira. Nakaaalarma naman po ang madalas na aksidente at banggaan ng sasakyan sa lugar na ito. Sana po ay maaksyunan ninyo. Salamat po.
Irereklamo ko lang po ang kalsada sa amin dahil ilang taon nang baha ay wala pa ring aksyon ang lokal na pamahalaan. Kawawa naman ang mga estudyante rito sa lugar namin. Dito po ito sa Brgy. Tandang Kutyo Ilaya sa Tanay, Rizal.
Dito po sa bayan namin sa Naga, Zamboanga Sibugay ay napakalaking problema namin ang illegal fishing. Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan para mabigyang-pansin ang problema naming ito.
Isa po akong concerned citizen ng Brgy. 8 sa Caloocan City. Gusto ko lang pong isangguni ang palagiang walang naka-duty na doktor sa aming health center.
Isang concerned citizen po ako rito sa Brgy. San Fernando Norte, Cabiao, Nueva Ecija. Reklamo ko lang po ang nararanasan naming problemang dulot ng nakapandidiring langaw mula sa poultry farm na ‘di kalayuan sa aming mga tahanan. Sana po ay matulungan ninyo kami sa aming matagal nang problema.
Ako po ay isang concerned citizen ng Brgy. Dayap, Calauan, Laguna. Gusto ko lang pong ireklamo ang aming barangay dahil sa kawalan ng aksyon sa ipinatutupad na curfew. Nakabubulabog ang ingay ng mga kabataan at ito rin ang nagiging umpisa ng garapalang nakawan sa aming lugar.
Tulungan n’yo po ako tungkol sa mga anak ko kasi hanggang ngayon ay hindi pa sila makapag-enroll dahil wala pa silang card. Nagsara po ang school na ‘di nila ibinigay ang card ng anak ko. Ngayon ay nanghingi sila ng P1,500.00 sa akin para raw pang-LBC ng card, pero hanggang ngayon ay wala pa rin po.
Reklamo ko lang po ang mga pedicab dito sa Brgy. Poblacion, Meycauayan, Bulacan dahil sobrang dami na po kasi wala naman silang permit para mamasada. Tapos nagdudulot pa sila ng traffic dahil pumapasok sila at magka-counter flow sa kalyeng one-way. Kung saan-saan din sila nakaparada at nakahambalang para mag-abang ng mga sakay. Nakapagtataka lang po na wala man lang sumasaway sa mga ito.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo