MARAMI ANG nagtatanong sa akin kung nasaan na raw ang kareretiro lamang na heneral ng PNP at dating CIDG Chief na si Atty. Sammy Pagdilao. Ano raw ang ginagawa niya ngayon?
Ako ang palaging napagtatanu-ngan ng aking mga kakilala lalo pa ng mga tagasubaybay ng Wanted Sa Radyo. Alam kasi nila na si Sammy ay malapit kong kaibigan.
Inakala kasi nila tulad ng ibang kareretirong heneral, si Sammy ay nag-iikot ngayon sa iba’t ibang lugar ng bansa para maghanap ng magagandang golf course at makapaglaro ng golf. At sa gabi – pagkatapos ng golf, ay nagkukuyakuyakoy habang umiinom ng red wine.
WALA NANG patumpik-tumpik pang sinasagot ko sila ng “oo, nag-iikot ngayon si Sammy sa iba’t ibang sulok ng bansa”. Pero agad kong idinudugtong na ang kanyang pag-iikot ay dahil puspusan ang ginagawa niyang ugnayan sa mga miyembro at endorser ng partylist group na ACT-CIS (Anti-Crime & Terrorism through Community Involvement and Support) na number 53 sa balota kung saan siya ang Secretary-General.
Ang ACT-CIS partylist ay may libu-libong miyembro sa bawat siyudad at probinsya ng ating bansa na kinabibilangan karamihan mula sa private sector, business and religious community and government employees.
Ang mga endorser ng ACT-CIS partylist group ay kinabibi-langan naman ng mga local official sa halos lahat ng sulok ng bansa. Iniendorso din ito pati na ng mga national politician. Kasama na rin sa mga nag-iendorso nito ay ang mga miyembro ng ating law enforcement at militar.
Ang pangunahing layunin ng ACT-CIS partylist ay sugpuin ang lahat ng uri ng kriminalidad – bago pa man ito lumaganap – sa pamamagitan ng kooperasyon, pagkakaisa at pakiki-pagtulungan ng lahat ng mga mamamayan sa mga kinauukulan.
ANG SIGAW na “tama na, sobra na” ay matagal nang sinasambit ng marami sa ating mga kababayan na biktima ng samu’t saring krimen. Pero tila hindi sapat ang nagagawa ng ating pamahalaan dito sapagkat kulang ang mga batas na magbibigay pangil sa ating mga taga-law enforcement para sa agarang pagsugpo sa talamak na krimen na nagaganap sa ating lipunan – na karamihan, ang mga nasa likod ay malalaki at mapeperang sindikato.
Dito magagamit ng ACT-CIS partylist ang kaalaman at galing ni Sammy sa batas bilang isang abogado at naging hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group para makapagbigay ng nararapat na representasyon sa Kongreso para sa sambayanan na tadtad na sa problema sa lumalaganap na kriminalidad.
PERO MAY kasabihan ding “linisin muna ang sariling bakuran bago maglinis ng bakuran ng iba”, na ang ibig sabihin ay ayusin muna natin ang mga problema sa ating law enforcement – partikular na sa kapulisan – tulad ng pang-aabuso at pagkakasangkot nila sa samu’t saring katiwalian para maging epektibo sila sa paggawa ng kanilang trabaho.
Ako ang personal na makapagpapatunay na eksperto si Sammy pagdating sa pagdidisiplina sa mga abusadong miyembro ng PNP. Naging matalik kong kaibigan si Sammy dahil sa aking programang Wanted Sa Radyo.
Noong siya ay naging PNP Spokesperson, madalas namin siyang tawagan para idulog ang mga reklamong pang-aabuso at pang-aapi laban sa mga miyembro ng kapulisan at mabilis naman niyang naaaksyunan. Nang ma-promote siya at nagpalipat-lipat ng posisyon hanggang sa maging CIDG Chief, hindi nagbago si Sammy, madali pa rin namin siyang matawagan.
At tulad sa mga nakaraan, mabilis ang kanyang mga na-
ging aksyon sa aming mga idinudulog na sumbong. Sa maraming pagkakataon, personal pang pumupunta noon si Sammy sa studio ng Wanted Sa Radyo upang direktang makahalubilo ang mga nagsusumbong.
Shooting Range
Raffy Tulfo