HUMAHATAW SA ratings ang teleseryeng Ina Kapatid Anak na talaga namang pinag-uusapan at sinusubaybayan ng publiko ang bawat kaganapan sa buhay nina Celyn (Kim Chiu) at Margaux (Maja Salvador). Patindi nang patindi ang mga eksena na may kasamang sumbatan, iyakan at sampalan ng mga karakter. Patuloy sa pagiging pasaway si Margaux sa kanyang magulang habang nagiging palaban na sa kanyang karapatan bilang anak ang dating matiising si Celyn. Hanggang saan hahantong ang iringan ng magkapatid at ng kani-kaniyang kinagisnang pamilya?
Kaya naman hindi rin maiiwasan ang mga balitang nagiging totohanan na ang iringan nina Kim at Maja sa mga eksena. Tulad ng kanilang mga karakter ay may pinagdadaanan din ngayon ang dalawa sa totoong buhay sangkot si Gerald Anderson na nali-link kay Maja.
Diumano ay nag-walkout si Kim matapos kunan ang sampalan nila ni Maja sa set. Kim recently clarified the issue when she was interviewed by MJ Felipe of The Buzz. “Umalis ako pagkatapos ng take kasi tapos na. Bakit naman ako magwa-walkout kung hindi pa tapos? Tapusin natin saka tayo umalis.” Take one lang daw ang eksena. Ayon pa sa kanya ay propesyonal sila ni Maja at ginagawa lang nila kung ano ang hinihingi ng script sa kanilang mga karakter.
She may be relentlessly badgered by intrigues pero mas nangingibabaw ang mga suwerteng dumarating ngayon sa buhay ni Kim. She has many things to be grateful for. Una na rito ang patuloy na pagtaas ng ratings ng Ina Kapatid Anak na kailan lang ay umabot ng 40.4%. Kuwento ni Kim, “Hindi naman kami nag-e-expect pero pinagdarasal namin. Iba pala iyong feeling na umabot sa ganoon. Ito lang iyong first teleserye ko na umabot ng 40%.”
Kim works hard and invests her money well. She recently opened a bakery together with her sister.
It seems everything is going well between her and Xian Lim. “Siya iyong taong full of surprises. Nag-Subic din siya. Sabi niya may shoot daw siya roon. ‘Punta kayo. Dalaw kayo sa Subic Yacht Club.’ Sabi ko, ‘Anong me-ron?’ Sabi ko sige. Noong pagpunta may pa-yate si Kuya. Nagulat naman kami. Nakakatuwa kasi may bagong experience kami. ‘Di ko pa nararanasan iyong ganoon. Natutuwa ako kasi dumadaan talaga siya sa tamang way na iparamdam sa babae.”
So what’s the real score between them? Dahil sa sobrang closeness nilang dalawa ay marami tuloy ang nag-iisip that they are more than friends. “Siguro siya na iyong masasabi kong bestfriend ko, iyong taong masasabihan ko ng lahat ng problema ko.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda