MALIBAN sa isyu na tatapusin na ang afternoon series na ‘Madrasta’ na pinagbibidahan nina Arra San Agustin at Juancho Trivino dahil ito ang pinakamahina sa hanay ng panghapong line-up ng Kapuso Network (Magkaagaw and Primadonnas ang dalawa pa), ang recent confrontation scene sa kulungan nina Thea Tolentino (main kontrabida) at Gladys Reyes (in a mother role na mabait compared to her previous works) ang pinag-uusapan ng mga tao.
Si Thea Tolentino ang isa sa mga underrated Kapuso actresses. Palagi ito nalilinya sa mga kontrabida roles. Ilan sa mga naapi niya onscreen ay sina Barbie Forteza, Maine Mendoza, Sanya Lopez at Kris Bernal. In short, very reliable siya sa pagpapahirap onscreen kahit pa marami ang nagsasabi na ito ay sweet ang bubbly in person. Mukhang wala nga itong reklamo kahit pa na-typecast na siya sa kontrabida roles.
Ang problema ay nakakahon lang ito sa isang linya kaya siguro hindi siya nakukuha sa movie projects kahit man lang sa indie films. Kung tama ang pagkakatanda ko, may short role lang ito sa ‘This Time It’ll Be Sweeter’ nina Ken Chan at Barbie Forteza na ipinalabas two years ago. Maliban doon ay wala na ito naging movie project. Bakit kaya?
Siguro oras na rin na umariba sa paggawa ng pelikula ang GMA. Ilan na baa ng mga na-typecast nila sa kontrabida roles na mas napansin sa ibang network? Classic examples dito sina Cristine Reyes at Arci Munoz na mas lumawak ang fanbase nang magbida sa TV at pelikula.