Nash Aguas, dalang-dala ang pagiging bagito

Nash-AguasMABIGAT ANG role ni Nash Aguas sa Bagito bilang batang ama but he pulled it off with aplomb. Puring-puri si Nash sa ipinakitang nuances in playing the role of a teen na nakabuntis at nagkaanak.

While doing Bagito which is now on its second book, maraming natutunan si Nash.

“Siguro ang pinakanatutunan ko ‘pag nagkamali ka ‘wag na parang ma-stuck ka na lang at ‘wag mag-move on. ‘Yung mga tao din na nakapaligid sa ‘yo kapag ang paningin mo sa sarili mo hindi rin sila magmo-move on, gaganu’n-ganu’nin ka rin nila. Pero kapag tinama mo at  gumawa ka ng solusyon or bumawi ka sa mga maling nagawa mo ay mas matutuwa pa ‘yung mga tao sa iyo and mas hahanga sila sa ‘yo. Kasi parang nagkamali ka, pero nakuha mong bumangon kahit mag-isa ka lang at walang tumutulong,” he said.

Short of saying he was uneasy at first, Nash was able to make a full grasp of his character eventually.

“Noong una po kasi, medyo naninibago po ako sa character pero eventually, habang tumatagal maski ako mismo ay nadadala. Napi-feel ko kung ano ang dapat ma-feel niya, sinasabuhay ko po. Minsan kahit hindi naman kailangang umiyak pero kapag talagang masakit na sa damdamin, naiiyak na lang akong kusa. So parang matindi lang po ang imagination ko sa role ko,” say ng binatilyo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleTuesday Vargas, inggit na inggit sa lambingan nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez
Next articleJulie Anne San Jose, ‘di pa rin priority ang pagkakaroon ng BF

No posts to display