SPEAKING OF pagbubuntis, hindi ko ma-imagine na ang isang 14-year old boy ay makabubuntis. Kaloka kasi ang premise ng teleseryeng Bagito ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.
Isang nagbibinata (Nash Aguas) na hindi pa nagtatapos ng high school ay makabubuntis. Very adult ang theme na ewan ko kung ano ang rating ng MTRCB sa serye dahil the show deals with the theme of awakening, discovering of the boards and the bees na sa gayong edad sa totoong buhay, alam naming nakatatanda na riyan na nagsisimula ang interest ng lalaki sa kanyang kaibigang babae.
D’yan na rin nagsisimula na panakaw ay makapag-browse man lang sila ng porn magazines o ‘di kaya’y makasilip sa mga triple X sites sa Internet.
Sa seryeng Bagito, bukod sa isyung seksuwal, barkadahan, kagaguhan at kung anu-ano pa, ang dami palang tatalakayin ng serye na nagsimula last Monday bago mag-TV Patrol. Sa katunayan, dapat nga i-endorse ito ng Department of Education lalo pa’t sa paglobo ng teen pregnancy or shall I say unwanted pregnancy sa hanay ng mga kabataan, dapat lang na panoorin ng mga estudyante, mga kabataan at mga magulang nila ang serye.
Sabi nga ni Nash, “Takot po akong subukan. Ayaw kong maging katulad ni Andrew. Pero totoo ‘yong nangyayari sa mga boys na kasing edad ko,” saloobin niya sa isyu ng pre-marital sex at teen pregnancy sa kanilang hanay.
Reyted K
By RK VillaCorta