SUCCESSFUL ANG CONCERT ni Nora Aunor sa Toronto, Canada, text sa amin ng isang kaibigan na roon na naka-base. Puno raw ang venue na pinagdausan ng concert. Pero malungkot niya ring ibinalita ang deklarasyon ng Superstar na ‘yon na ang huling concert nito. Nasira raw ang vocal chords ni Ate Guy dahil sa isang operasyon na isinagawa rito kamakailan. Kaya kinansela na rin daw nito ang iba pang shows sa Canada. Humingi raw ng paumanhin at pang-unawa ang Superstar sa kanyang mga fans na karamihan daw ay nag-iyakan nang marinig ang malungkot na balita.
Doon daw mismo sa naturang concert ay nag-lipsync na lang din si Ate Guy. Halata raw sa boses nito sa tuwing magsasalita na nawala na nga ang ginintuang tinig ng Superstar.
Naghahanda na rin daw ng demanda ang kampo ni Ate Guy sa mga doktor na nagsagawa ng operasyon sa kanya. Medyo maga pa nga raw ang mukha ng aktres nang humarap sa kanyang fans.
Samantala, gagawa rin daw ng isang pelikula na kukunan sa Canada ang Superstar at ‘yon ang pinaghahandaan nito ngayon.
THIS FRIDAY NA ang huling araw ng hosting ni Robin Padilla sa Wowowee at si Cesar Montano naman ang hahalili sa kanya for two weeks. Mukhang magkakaroon ng iba’t ibang hosts ang noontime variety show ng ABS-CBN habang nakabakasyon pa rin si Willie Revillame.
Sa inilabas na official statement ng TV station, natuloy ang meeting ni Willie sa top executives ng Dos at nag-apologize na ito at inamin na ang kanyang pagkakamali. Nakasaad pa roon na ‘ABS-CBN and Willie agreed that he takes an indefinite break effective immediately, but his contract obligations with ABS-CBN hold.’ Hindi rin daw pupuwedeng gumawa ng anumang shows si Willie na may pagkakahawig sa Wowowee.
May balitang by August or September ang balik ng TV host sa kanyang TV show. Hopefully, by that time ay nakapag-relax na si Willie at nakapag-reflect kung gaano ba kahalaga sa kanya ang Wowowee na nagbigay sa kanya ng sobra-sobrang karangyaan sa buhay.
BLIND ITEM: ANG laging press release ng young actor, hindi siya nababakante sa mga out-of-town shows, kaya kahit walang masyadong raket sa showbiz ay may pinagkakakitaan pa rin siya. Pero ang totoo pala, madalas na ang ‘booking’ ng young actor ay sa mga probinsiya. Paborito ng mga bading na pulitiko ang young actor.
Guwapo naman talaga ang young actor at maganda ang pangangatawan nito ngayon, kaya mabenta pa rin siya sa mga bading. At para hindi masyadong buking ang raket niya, madalas ay isinasama pa niya ang non-showbiz girlfriend niya sa ‘karaketan’ niya ngayon, pero lingid siyempre sa kaalaman ng girl ang sideline ng young actor.
Bore Me
by Erik Borromeo