NAKAKATUWA ANG pag-amin nina Jake Cuenca at Joem Bascon na iniwasan muna nilang mag-bonding matapos na gawin ang pelikulang Lihis na isa sa mga kalahok sa Sineng Pambansa na simula na ngayong September 11 at magtatapos sa September 17 sa lahat ng SM Cinemas sa buong bansa.
Sa kagustuhan kasi nilang maging makatotohanan ang mga role bilang gay lovers sa loob ng kilusang NPA noong panahon ng Martial Law, wala raw ‘pineke’ ang dalawang aktor sa kanilang mga eksena. Lalo na ang maiinit nilang sex scenes.
Nang matanong nga ang dalawa kung may naramdaman o naelyahan sila sa isa’t isa nang ginawa nila ang eksena sa batuhan habang naka-‘victory joe’ si Jake, sinabi ni Jake na, “Kailangang maramdaman namin ‘yung character namin. Ayaw rin naming luamabas na fake ang ipinapakita naming emosyon. Might as well do it naturally para hindi na paulit-ulitin ni Direk Joel (Lamangan) ‘yung eksena at matapos na. Kumbaga, gawin na namin lahat. Kilala naman natin si Direk, alam niya ‘pag pinepeke lang ang eksena.”
Natural lang na ‘pag nag-iinit ang katawan ng tao, isang bahagi nito ang titigas. Meron ba silang naramdamang ganu’n?
“Pareho kaming naka-plaster ni Jake,” sabi ni Joem.
Sundot naman ni Jake, “Basta, may bagay na lang na lumutang sa batis habang ginagawa namin ang eksena. Hahaha!”
So, may tumelag talaga at natanggalan ng plaster? Ganu’n?
“Pagkatapos nga naming gawin ‘yung Lihis, hindi na muna kami nagsasama ni Joem. Magkapitbahay lang kami sa condo. Dati-rati, madali lang kaming magkayaan sa gimik… sa bonding. Ngayon, ‘wag muna… mahirap na. Hahaha!” Natatawang pahayag ni Jake dahil nga baka tuluyang silang magka-debelopan ‘pag madalas pa silang magkasama.
Sabi pa nga ni Jake, kapag dumarating daw siya sa location ng shooting, in character na raw siya, hindi na siya si Jake Cuenca, kundi ang gay lover ng closet gay ring si Joem na asawa naman ni Lovi Poe sa pelikula.
Kilala nga kasing barakung-barako sina Jake at Joem, at hindi mo nga naman maiisip na malilihis sila sa kanilang matitipuhan. Babae pa rin naman daw ang gusto nila. ‘Yun na!
BONGGA ANG unang pelikula ng kaibigan naming si Charles Yulo. Hindi lang siya basta isinama ni Direk Wenn Deramas sa Momzillas na pinagbibidahan nina Diamond Star Maricel Soriano at ‘Rough Diamond Star’ Eugene Domingo. Binigyan talaga ni Direk Wenn si Charles ng magandang exposure sa movie, bukod pa sa isama sa billing at poster ng pelikula.
Sabi nga ni Direk Wenn, “ May character ang personality ni Charles. P’wede siyang i-develop para maging isang mahusay na komedyante. Kailangan lang niyang mabigyan ng break para lumabas ‘yung galing niya as an actor kaya agad ko siyang isinama sa cast ng “Momzillas”.
Passsionate si Charles sa art of acting since grade school. Bukod sa theather at voice acting, marunong din siyang kumanta. Graduate din ang young comedian ng basic at advance acting workshop sa Star Magic acting workshop.
Sa kasalukuyan, nagri-review si Charles para sa board exam sa Interior Design na tinapos niya sa Philippine School of Interior Design. Pangalawang kurso niya ito matapos ang BS Hotel & Restaurant Management major in Hospitality management sa De La Salle College of Saint Benilde.
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores