NANANATILING magkaibigan si Nathalie Hart at ang ex-boyfriend niyang Indian national na si Mayank Sharma.
“Ngayon okey naman kami, we’re friends. We talk everyday, we video call everyday,” kuwento ni Nathalie sa amin.
“It took me a lot of time understand the situation. Siyempre, masyado akong madrama nung time na yon, pero nung inamin ko na wala na kami, parang it’s a release, na parang it was so tiring for me to pretend,” dagdag niya.
Kumusta naman bilang ama sa baby niyang si Penelope ang ex-partner?
Sagot ng aktres, “Great… great father to our daughter. Wala kaming problema. The only problem lang talaga is it’s hard for him to see his daughter kasi he has to come here, ang layu-layo ng India, so it’s very difficult for him. But ano, okey naman, nandito siya nung birthday ng anak namin, so walang problema.”
Sa sitwasyon ni Nathalie, posible palang maging friends niya ang dating karelasyon.
“Depende… depende. I think it’s important to have time as well nung naghiwalay kayo – hindi muna kayo mag-usap nang matagal kasi mas marami kayong masasabing masama. Mas maganda yung hindi na muna kayo nag-uusap tapos bigla kayong nag-usap.
“Hindi na namin pinag-usapan yung nangyari, eh. Hindi na kami nag-usap and then we just basicall talk about our daughter, ganun na lang yon,” deklara ng aktres.
Wala na ba siyang napi-feel na love sa ama ng kanyang anak?
“Of course my love, iba yung love. Ibang klaseng love yon. I mean, yung love kasi na yon iba na, eh, hindi mo mahahanap yon sa ibang tao kasi you share daughter together so iba yon – iba yung tingin mo sa kanya.
“Pero yung tipong romance together, wala kaming ganun, wala kaming ganun ngayon. Walang romance, pero yung love hindi mawawala yon,” paliwanag ng aktres.
Ginagawa ngayon ni Nathalie sa Viva ang mga pelikulang Pak Boys with Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla at ang sexy drama na Kunwari Mahal Kita kasama naman sina Ryza Cenon at Joseph Marco.