Liberated talaga itong si Nathalie Hart. I like her for being straight forward.
Sa katunayan, with her sexy and bold-liberated image, feel ko ang peg niya lalo pa’t hindi naman pala “tsipanga” ang half-Pinoy and half-Australian (her dad is Austrilian).
Partly ay lumaki rin sa Aussie si Nathalie, reason kung bakit siguro na medyo may pagkaliberated ito sa paniniwala at mga sagot niya sa press na nag-i-interview sa kanya. Hindi lang sa kanyang gawa, kundi pati na rin sa kanyang mga sagot at pananalita. She can talk about sex or about having sex na normal lang sa kanya na for me ay okey lang.
Ang tipo ng pagiging sexy star ni Nathalie ay classified as a sexy actress with “class”. Kaibigan niya sa showbiz si Ruffa Gutierrez.
Hubadera man ang tingin sa kanya, she exudes with class, dahil bukod kasi sa English ang lengguwahe niya, she can speak Filipino, and sometimes keri niyang gamitin ang gay lingo. Nakakatuwa siya. I like people na direstso at walang paliguy-ligoy.
Kung naging artista siguro siya noong late 80’s, lutang na lutang ang kaseksihan niya, lalo pa’t naiiba siya sa sampu-samperang sexy stars natin noon. Mag-iisa lang siya, dahil bukod sa nag-e-English, smart din si Nathalie.
Nakausap namin siya sa pocket presscon for her film “Tisay” na mapanonood sa Cinema One Originals Film Festival (last Monday, November 14, nag-premiere ang movie sa Trinoma). Kasama niya sina JC de Vera at Joel Torre sa pelikula na dinirek ni Alfonso Torre, pamangkin ni Joel.
Kung sa pelikulang “Siphayo” nagkaroon si Nathalie ng dalawa super hot love scenes sa dalawang kapareha niya, na sina Joem Bascon at Luis Alandy, huwag kang ma-shock sa pelikulang “Tisay”. Dahil patuloy pa rin ang pagpapaseksi niya sa mga pelikula niya.
Kung sa “Siphayo”, proud siyang i-flaunt ang kanyang “pepay” na walang pubic hair, sa “Tisay” ay mas shocking daw ang makikita ng manonood.
Sa movie, super hot ang love scene nila ni JC, para sa “beki” market ni JC, I’m sure they will love the film.
Paaawat ba si Joel Torre? Nope. Meron din silang sex scene ni Nathalie.
Sa katunayan, dahil sa eksena ni Nathalie at ni JC, hiniwalayan si Nathalie ng kanyang boyfie, dahil ayaw nitong ipagawa sa girlfriend ang project.
“I don’t want a relationship that will hinder into my career. Mahirap kasi,” sabi nito sa amin.
Sa movie, Nathalie plays the role of “bookie” na tagakuha ng taya sa larong basketball na sometimes ay ginagamit ang kanyang katawan to get a bet (bigtime na bet) at si JC naman as a basketball player.
Mapapanood din ang Tisay on the following dates and theaters: November 15 (Glorietta @ 2:30PM at sa Greenhills Theater @ 6:40PM); November 16 (Glorietta @ 5:00pm); November 17 (Cinamatheque Manila @ 8:00PM); November 19 (Cinematheque @ 3:00PM); and on November 22 (Gateway Mall @ 12:30PM).
Reyted K
By RK VillaCorta