NATHAN LOPEZ o Louie Nathanael Buado Lopez. Nagbigay sa kanya ng karangalan at awards sa larangan ng indie film ang pelikula niyang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” noong 2005. Nauuso ang mga pabading-bading kaya nagiging hamon ito sa kanya upang gampanan lalo ang mga papel na ito. Sa bagay, trabaho lang, kung doon siya sisikat kahit siya ay lalaking-lalaki.
Sa sikat namang pantanghaling teleserye ng ABS-CBN na “Be Careful With My Heart”, nagpamalas muli siya ng galing sa pagiging beki bilang Emman. Isang matalik na kaibigan ni Maya na ginampanan naman ni Jodi Sta. Maria.
Ito ang panayam kay Maximo, ah… este, Nathan.
“Ah, freelance po ako ngayon, minsan lumalabas din po sa ibang channel.
‘Di ba gay ang role mo sa Be Careful With My Heart? Ano’ng nararamdaman mo habang ginagawa mo ‘yun? Hindi ka ba apektado?
“Anong sinasabi mong hindi ako apektado, hahaha! (sabay acting ng pabading). Ahahay!”
Hahahahha! Tsaring! Este, Nathan, ito ba ay isang challenging role para sa iyo?
“Mostly naman ng mga ino-offer sa akin ay gay roles. So, para sa akin, ang dream role ko na lang ay ang magkaroon ng straight guy na role. Kaya sa akin I’ll be so much happy sa mga role na ganoon.”
Sa ngayon, ladlad na ang ibang tao. Kung pagsuotin ka ba ng parang pambabae, payag ka rin ba? Napabuntong-hininga si Nathan sa tanong ko.
“Actually, mahirap naman ‘yun talaga! At saka you have to be professional. Siyempre as an actor, it’s a part of it. I have to do it!”
Uhum! mabago nga ang tanong ko. Ah, kumusta ‘yung lovelife mo?
Tugon niya, “Secret. Kailangan pa ba ‘yon?” Sabay tawa ni Nathan.
Okey! Good luck, Brosis, hahaha!
Mga Hinaing ni Charice, Bunga ng Kanyang Pagiging Sikat na Mang-Aawit
NAPAPABUNTONG-HININGA SI Charice at naglabas ng hinaing sa kanyang Instagram account tungkol sa kanyang kalagayan bilang isang mang-aawit dito sa sarili niyang bansa.
Naghihimutok niyang sinabi at tinanong kung talaga bang mahal siya ng sariling bansa at tila hindi niya ramdam ang appreciation at acknowledgement ng kanyang kapwa Pilipino. Samantalang siya ay kinikilala sa kanyang performances sa ibang bansa.
Tila nag-i-emo si Charice at nagtatanong kung bakit gano’n na lamang ang panghuhusga raw sa kanya ng kapwa Pilipino lalo na sa kanyang sexual preferences, outfit and style, at pati na rin ang kanyang lengguwahe. Bagama’t dati na siyang pinapansin sa kanyang fashion style, nakaragdag pa ang kanyang biglaang transformation mula sa feminine to masculine image. Isa pa marahil na kontorbersya ay ang kanyang pagiging bukas sa kanyang gay relationship sa kapwa singer na si Alyssa Quijano.
Naks! Charice, kung saan ka maligaya, roon ka. Kaya lang, ang lahat ng bagay ay pansamantala lamang, maging ang kasikatan ay napaparam din ang liwanag. Siguro sa akin, maganda pa rin ang magpamilya ka dahil ‘andu’n ang kabuuan ng iyong pagkatao.
Hindi pa naman huli. Sa mga basher mo, isang natural na proseso ‘yan lalo’t sa kinalalagyan mong propesyon. Dapat masanay ka na. Hindi lagi ay nasa masaya kang kalagayan. Alam mo naman sa ‘tin dito sa ‘Pinas, dadaan ka talaga sa butas ng maliit na karayom bago ka kilalanin nang husto.
Ako nga ay nagulat din sa transformation mong from innocent-looking to Tom-look-alike. Eh, ito talaga ang kalakaran sa ‘tin sa larangan ng pagiging star sa showbiz kahit nakilala ka sa ibang bansa pagdating dito ay iba ang posibleng maging trato sa ‘yo; marahil, kailangan bawat programa, kahit sa telebisyon ay may mga endorsers o sponsors.
Lalo’t moralista pa rin ang kultura ng Pinoy. Pero siguro, kung foriegner ka, posibleng kahit nagtu-twerk at halos ay hubad ay tinatangkilik pa rin ng ibang mahilig sa foreign glamour. More precious day, Iganday!
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
E-mail: [email protected] cp. 09301457621
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia