KINAKAPITAN NA rin ng mga televiewers ang Nathaniel, dahil sa napakabilis ng takbo ng istorya.
Since kasali kami sa naturang teleseryeng nagpapakita ng goodness ng isang tao sa kanyang kapwa at kapaligiran, nakatatanggap kami ng mga papuri, like “Very timely ang ‘Nathaniel,’ dahil tama nga naman ‘yung bata, kokonti na lang ang tumatawag sa Diyos.
“Saka lang maaalala ang Diyos kapag hindi na nila kaya ang problema nila o gagawin lang nilang last resort ang pagdarasal.”
Meron pang nag-comment ng, “Sana po, pinanonood din ito ng mga government officials. Para po sa kanila ‘yan para hindi ‘yung purong pansariling interest lang ang habol nila, kaya sila naglilingkod kunwari.”
Nako, sa totoo lang, ilang linggo na rin ang natapos nang gawin at dapat ninyong abangan ang mga nakakalokahng eksena na papasukin ni Nathaniel.
Pagkatapos ‘yan ng TV Patrol.
Oh My G!
by Ogie Diaz