WILL NORA Aunor be finally conferred a much-deserved National Artist award this year?
Ayon sa aking reliable mole, mukhang may humaharang sa pagdeklara sa pint-sized superstar bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula which in all fairness to Ate Guy, she so richly deserves.
“Napansin mo ba na quiet ang PNoy Government tungkol sa usaping ito?” tanong sa akin ng aking kaibigang showbiz insider. Allegedly, may may tax evasion issues daw against the actress. “Kuwestiyon daw ukol sa pagka-mamamayan,” as my mole puts it.
Na ikinawindang ko nang bonggang-bongga. In our mind, ano ang kinalaman ng hindi pagiging diligent tax payer diumano sa pagiging berdaderong artist ng isang performer?
Yes, in terms of her wayward ways and seemingly aimless, idiosyncratic lifestyle, mapupulaan mo si Nora Aunor bilang tao. Pero sino ba ang perpekto? Hindi ba’t may mga naging Pangulo ng Pilipinas na humarap at nahaharap pa rin sa kasong plunder? Para sa akin, that is a much graver crime against the nation and its citizenry.
Ang mga senador at kongresista na ke lalakas ng loob ng mga crony nila na sabihing pabubulaanan ang mga “maling” paratang ukol sa pagkakasangkot sa infamous pork barrel scam, sila ba ang mga kapuri-kapuri? Maling paratang agad kahit hindi pa rin naman nila napu-prove na hindi sila guilty of what they’ve been accused. Sang-ayon ako na sabihing mga paratang, per se, pero para isulat ng mga manunulat daw na ito na kilalang malalapit sa mga sangkot sa naturang scam ay malinaw na presumption agad that these people have been wrongly pinpointed.
Warts and all, hindi mo mapupulaan ang pagiging national treasure ni Nora Aunor. Isang buhay at maningning na alamat. It’s a given that her indelible performances as the hapless alalay of a bit player in “Bona”, the “asawa ng Hapon” in “Tatlong Taong Walang Diyos”, ang ubod ng tahimik na pagganap bilang nalulumbay na nurse sa banyagang bansa sa “’Merika”, at bilang si Elsa, ang bulaang faith healer sa “Himala” are already part of our film annals.
Siya ang tunay na multimedia star, hindi si Toni Gonzaga at lalong hindi ang hanggang ngayon ay one-note performer na si Kris Aquino. By its very definition, si Ate Guy lamang ang nag-iisang female thespian who matters na niligid ang lahat ng medium ng sining ng pagganap, mapa-radio, TV, pelikula, recording at entablado.
And this is coming from me na hindi isang Noranian. Walang kakurap-kurap kong sasabihin na with or without that National Artist citation, si Nora Aunor ay mananatiling isang aktres na wala nang dapat pang patunayan at sa halip ay dapat na tularan ng sanrekwang starlets na wala pa mang napapatunayan ay mga certified swellhead na sa kampo ng Kapuso at Kapamilya networks.
Gusto n’yo pa bang i-roll call ko sila?
Lili, Actually!
by Arnel Ramos