KUMAKAILAN, UMUGONG ang usapin tungkol sa pagkalaglag ni Nora Aunor sa listahan bilang isa nominadong napili ng NCCA sa kategoryang National Artist. Marami ang umaalma hindi lamang ang kampo ni Nora Aunor, maging ang tagahanga at naging kasamahan nito. Maging ang kapwa nito artista ay naging tutol sa mga pangyayari at malaking katanungan sa kasalukuyang Pangulo ng ating bansa na si Noynoy Aquino, na diumano’y pagkasangkot sa droga ng superstar sa U.S. na sa huli naman ay napawalang-sala.
Sino si Nora Aunor o tinawag na “Guy”? Maria Leonora Teresa Cavaltera Aunor Villamayor, ipinanganak noong Mayo 21, 1953. Isang Bikolana at taga-Iriga City. Lumahok sa mga tanghalan sa lugar ng Kabikulan. Sumikat siya bilang isang mang-aawit na dati ay lumalahok lamang sa “Tawag ng Tanghalan” doon dati sa kanilang probinsya.
Pang-fairytale ang buhay niya mula sa paglalako ng tubig sa istasyon ng tren sa Bikol. Nangarap bilang isang mang-aawit. Sa wakas dumating siya sa tugatog ng kasikatan at tinanghal bilang isang Superstar dahil hindi lamang ito naging sikat na mang-aawit kundi maging sa acting sa mga pelikula, eintablado at telebisyon.
Lalong kinilala siya sa kanyang tinaguriang masterpiece na pelikula na “Himala” na gawa ni Director Ishmael Bernal. Unang kinilalang artistang babae na nagwagi bilang Best Actress sa Cairo International Film Festival sa pelikulang The Flor Contemplacion Story. Tumangap ng isa sa 100 Centennial Honor for the Arts na iginawad ng Cultural Center of the Philippines noong 1999.
Nalaala ko pa, isa rin akong naging tagahanga ng tambalang Tirso Cruz at Nora Aunor ng aking kabataan.
Sa kasalukuyan, mapapanood sa CCP para sa taunang Cinemalaya Film Festival ang pinakabagong obra maestra ni Direktor Joel Lamangan. Dito ay buong husay na ipinakita niya ang kanyang pagiging tunay na pagiging actress at Superstar.
Dito sa isyung ito, sinuhestiyon ni Sen. Pia Cayetano na rebisahin ng National Commission for Culture and the Arts ang kailang rules and processes sa pagpili at pagkakaloob ng awards. Aniya, kung susundin ang batas sa pagpili ay hindi naman pinagbabatayan ang moral na karakter ng taong inonomina sa mga gagawing pagpapasiya.
Maaalala natin na maging ang comedy king na si Dolphy ay hindi rin napagkalooban ng National Artist award.
Gayun pa man, sa kabila ng pag-snub ng National Artist award and selection committee, patuloy naman ang buhay ng Superstar at hindi masyadong pinansin ang mga isyu, kahit minsan nasabi niyang nasaktan din siya dahil insulto para sa kanya ito.
Natatawa lang ang batikang aktres sa paligid niya bagay na tila wala naman siyang masyadong komento sa mga pangyayari. Basta sa kanya, marahil ang pagiging tunay na alagad na sining ay walang kompetisyon, maging sa kanyang puso, trabaho lang at pinaniniwalaan niya ang dugong nalalaytay sa kanyang katauhan na bawat ginagawa niya ay isang obra maestra.
Para sa akin, bakit nga ba hindi simulan at pag-aralan ng Kongreso at ipasa sa Senado na isama na lang sa National Election na katuwang ang NCCA. Para sa bawat hihiranging national artist ay upang walang managot o sisihan, bawian, mga pagkansela o pagkalaglag bilang National Artist. Lalo’t sa pangyayari sa nag-iisang Comedy King Dolphy at batikang komiks writer at director na sina Carlo Caparas. Para maiwasan ang pabor-politika. Dahil dito, mae-educate pa ang mga tao kung papaano nahihirang bilang National Artist ang isang alagad ng sining?
Ito ang Larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia