NATAPOS NA rin sa wakas ang election sa National Press Club. Nagwagi ang buong linyada ni Benny Antiporda at Marlon Purificacion.
Op kurs, “olat” ang grupo nina Percy Lapid at Amor Virata. Siyempre maging kaming mga independent candidates ay nagkahetot-hetot! He, he, he.
Isang kabanata na naman sa kasaysayan ng NPC ang itiniklop ni dating NPC President Jerry Yap. At isang bagong kabanata ang muli na namang bubuksan ni Benny Antiporda.
Parang cycle of life, parekoy, may umaalis at may dumarating. Mayroon namang reunion o pagtatagpo-tagpong muli.
Ayon nga sa Biblia, may kanya-kanyang kapanahunan sa mundong ito. May panahon ng pagtatanim at panahon ng pag-aani. May panahon ng gulo at panahon ng katahimikan. May panahon ng pagkaka-alit at panahon ng rekon-silyasyon.
Sabi nga ni Director Alvin Murcia, “ang bumangga giba”! He, he, he, isa ako katotong Alvin doon sa nagiba!
Gayunman, maiibsan, parekoy, ang pait ng pagkatalo (hu, hu, hu!) kung ang mga nanalo ay makikita naming mag-umpisa nang magtrabaho para sa Natonal Press Club. Lalo na kung kayo na rin ang gumawa ng paunang hakbang (sa grupo ni Percy) upang makamtan nating lahat ang tunay na hangarin ng National Press Club. Ang buuhin, isulong at sama-samang protektahan ang tunay na pagkakapatiran sa hanay ng mga mamamahayag!
Sa mga nanalo, ang taos-puso kong pagbati sa inyong lahat!
Sandali parekoy, lintek naman, eh ang sakit nga ng pakiramdam ko! He, he, he, sori, po, inilalabas lang ang sama ng loob! Hmp!
Doon naman sa mga gaya kong talunan, natatandaan pa ba ninyo ang kuwento sa dalangin ng isang musmos? Sa panaginip ay humiling siya sa Diyos ng isang magandang bulaklak. Paggising, cactus ang nakita niyang tumubo sa kanilang bakuran! Hehehe, takot siyang lumapit at baka matinik!
Sa muling pagtulog, humiling na naman siya ng isang paru-paro. Susmarya, parekoy, paggising ng musmos ay isang uod ang nakita niyang gumagapang!
Ilang buwan siyang nagtampo sa Diyos. Pero isang umaga, parekoy, sa kanyang paggising ay nakita ng musmos na namumulaklak na pala ang cactus. Pagkaganda-gandang mga bulaklak!
Hinanap ng musmos ang uod… wala na parekoy, hindi na niya ito makita. Maya-maya may nakita siyang paru-paro na lumilipad-lipad paikot sa magagandang bulaklak!
Kailangan lang pala ay huwag magtampo sa mga bagay na gustung-gusto natin, pero hindi kaagad ipinagkakaloob ng Diyos. Malay natin bukas… ang mga uod ay maging paru-paro na. At ang nakakatakot na cactus ay mamulaklak na.
God’s time is always the right time!
At ‘yun ang hinihintay ko, parekoy! Hehehe!!!
PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME 1530 kHz, AM band, alas 6-7 ng umaga, Lunes-Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction. ipaabot lang sa [email protected] o CP nos. 09098992775/ 09166951891/ 09321688734.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303