ISA SA mga nasa bucket list ng aktor na si Arjo Atayde noon pa man ay ang pangarap na makatrabaho ang idol niya na si John Lloyd Cruz.
He was just starting a career pa lang noon via Eboy, isang afternoon fantaserye sa Kapamilya Network kung saan bilang baguhan sa industriya ay isang sorpresa para sa aktor na nagustuhan siya ni Ms. Charo Santos-Concio na gumanap sa isang napakahalang role for MMK tungkol sa kuwento magkakapatid na itinatawid niya (bilang panganay) ang mga nakababatang mga kapatid niya sa kabilang isla para makapasok sa eskwelahan para makapag-aral.
Kung tama ang memory ko, first big break ni Arjo ang MMK episode na yun na may pamagat na “Bangka”.
Sa hanay niya at sa liga nila, suwerte siya at siya na baguhan, nagustuhan ni Ms. Charo ang ipinamalas niyang galing na sinundan pa ng ibang mga MMK episodes and the rest is history.
For almost seven years, madami na napatunayan si Arjo. Markado siya bilang si Joaquin sa action serye na FPJ’s Ang Probinsyano na mahigpit na kalaban ng bida na si Coco Martin reason na rin kung bakit binigyan siyang isang napakaimportanteng role sa online series na Bagman ng Dreamscape Entertainment na producer ng FPJ’s AP.
Dahil sa magaling umarte at mabilis matuto, masasabing nag-level up na ang aktor at mako-consider as one of the best in the industry aminin man niya o hindi.
Sa kabila ng madaming pagbabago sa kanyang career; si Arjo, wala pa rin nagbago sa pangarap niya bilang isang artista.
Si JLC pa rin ang nasa isipan ng aktor na someday, sa tamang panahon at pagkakataon ay magkakatrabaho din sila.
Naka-leave pa rin si John Lloyd na malamang ay malapit na rin ito bumalik at magpaka-aktibo muli sa showbiz dahil may mga paramdam na. “Any role for me basta si Lloydy. It will be an honor for me. He is still in my bucket list,” sabi ng aktor.
Catch Arjo in IWant’s Bagman Season 2 as Governor Benjo Malaya.
Maging ang film reviewer-critic na si Pablo Tariman ng The Philippine Star ay maganda ang review sa acting ng binata sa online serye. Mas mapusok. Mas seryoso.
Sayang nga lang at walang access sa IWant ang kaibigan na reviewer at festival director-chairman ng FACINE, isang FilAm film festival based sa San Francisco, CA sa Amerika na si Mauro Tumbocon na mapanood ang aktor dahil sa technical ruling yata with NetFlix sa Amerika at sa ABS-CBN kaya hindi niya napapanood ang serye online.
Yes, nag-level up na si Arjo. From a small time barbero ay isa na siya maimpluwensya na Governor sa online serye.