CESAR MONTANO’S latest movie is The Hitman. Sa pelikula, gu-maganap si Buboy (tawag kay Cesar ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan) bilang isang hitman na nais magbagong buhay.
Kadarating lang niya kasama ang asawang si Sunshine Cruz galing New York. Cesar met up with The Weinstein Company where he pitched stories he co-wrote with Hollywood scriptwriter Donald Martin – ang pelikulang Getting to America – kung saan si Cesar ang bida at direktor. Ito ay isang dramedy tungkol sa isang Pinoy na gagawin ang lahat makakuha lang ng American visa.
Silang dalawa lang ni Shine ang nagbakasyon kaya naman nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-bonding together. Tulad ng ibang mag-asawa ay nagkakaroon din sila ng konting tampuhan but what keeps the “fire burning” in their relationship is “consistent talking”. Ayon nga kay Buboy, “It’s very dangerous when you don’t understand each other.”
Maayos din ang relasyon ni Buboy sa kanyang anak na si Diego who joins him in The Hitman. Diego is now using Montano as his surname. It was Diego who asked his dad kung pwede silang magsama sa isang pelikula. Proud si Buboy sa kanyang anak na ngayon ay Kapamilya na. “Bago ko pa lang siya nakakasama. I am happy with the way things are. Dumating siya na medyo mature na si Buboy.”
Bilang isang ama ay hindi naman maiaalis kay Buboy ang malungkot tuwing napag-uusapan ang pumanaw na anak na si Angelo. “I don’t have the wisdom to deal with it. I avoid talking about it. Dasal lang ang nagpapagaling sa akin to be whole again. I cannot bring back the life of my son.”
Dagdag pa niya, “’Pag masama ang loob ko, siya iyong aalalay sa akin. He really was a big loss to me. Angelo, I love you very much. How can I argue with the beautiful situation you are in, you’re with God. Dito, kasama mo ang imperfect na tatay.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda