MINSAN TALAGA, hindi mo masabi ang kapalaran dito sa showbiz. Katulad na lang ng sumikat pero kilala pa ring young actor ngayon na itago na lang natin sa screen name na Albert Hilario. Bagets pa lang si Albert ay paekstra-ekstra na siya sa mga pelikula at teleserye. Na siyempre pa, ang talent fee lang niya noon ay nagsisimula sa three hundred, five hundred hanggang one thousand pesos. Kasi nga, dakilang ekstra pa lang siya.
Dahil napakaguwapo ni Albert, kaya naman sa simple pa lang niyang hitsura ay maraming bading na sa showbiz ang nakapapansin sa kanya, na kumbaga’y puwede na siyang hadahin at lamang-tiyan din, kasi’y wala naman siyang pangalan. Bukod sa guwapo, mabango si Albert, at nadiskubre ng mga kabadingan, na nagtataglay siya ng magandang hinaharap. Panalo, dahil bukod sa mataba at mahaba ang kanyang pagkalalaki, ay walang amoy. Amoy-baby raw. Walang pakialam si Albert, kesehodang pinagpasa-pasahan na siya ng mga bading sa taping at shooting, dahil ang ibinabayad sa kanya ay pandagdag na rin sa tunay niyang talent fee mula sa pagiging dakilang ekstra.
Sumali si Albert sa isang contest sa telebisyon, kaya nadiskubre siyang maging artista. Mabilis ang kanyang naging pagsikat, dahil bukod sa guwapo ay magaling din siyang umarte. Ilang pelikula ang kanyang ginawa na puro kumita sa takilya. Nang sumikat siya ay lumaki ang kanyang ulo, at kung dati’y simple lang ang kanyang ugali, bigla na lang siyang yumabang at nagmukhang-pera sampu ng kanilang pamilya na umasang ang kanyang kasikatan ay walang katapusan.
Dahil dati’y guwapo lang siya pero walang pangalan, ilang bading na lang na nakahada sa pagkalalaki ni Albert ang nakakilala sa kanya, na dati siyang pahada sa set. Pero dahil hindi naalagaan ang kanyang career, lumaylay na ang kasikatan ni Albert, kaya wala na siyang raket ngayon, dahil wala na siya sa limelight. Napakaguwapo pa rin niya ngayon. Kaya nagtatanong ang mga bading: “Nagpapahada na kaya siya ulit ngayon? Puwedeng-puwede pa. Kasi’y super-guwapo pa rin siya, ‘noh!”
(By Melchor Bautista)