092886***** – Sir, may irereklamo po akong pulis. Si PO1 Candava na nag-imbestiga sa binangga kong tricycle, pero wala pong naibigay sa akin na anumang katunayan na binangga ako ng lasing. Maski iyong pinirmahan namin sa logbook na report ay nawala rin po. Sana matulungan ninyo ako.
092197***** – Idol Raffy, concerned citizen po ako rito sa Dasmariñas, Cavite. Itatanong ko lang po kung puwede bang kapkapan at paghubuin pa kaming mga motorista sa checkpoint at parang may hinahanap sa amin na droga, wala naman po sila nakita. Puwede ko po ba ireklamo sa inyo iyon? Salamat po. Pulis-Dasma po ang gumawa sa amin ng ganoon tapos pinosasan pa po kami eh, wala naman po kaming alam na kasalanan tapos ng binigyan ko ng P1,000.00 bigla na lang kami pinaalis at hindi pa binalik ang cp namin.
092896***** – Bakit ganoon ang munisipyo ng San Pedro Laguna, sobrang mahal ng pagkuha ng health card na nagkakahalaga ng P400.00. Tapos bago ka pa pala makapasok sa trabaho kailangan pa ng Mayor’s permit? Sa ibang munisipyo naman makakakuha ka ng P50.00 lang na health card na hindi na kailangan ng Mayor’s permit.
093589***** – Gusto ko po sanang humingi ng tulong sa inyo. Hinila po ng pulis sa barangay malapit sa amin ang motor namin dahil involved daw po sa pagnanakaw. Noong isang linggo pa po iyon pero hanggang ngayon naka-hold pa rin sa kanila ang motor namin at hindi naman po sinasampahan ng kaso. Hindi ko na po alam ang gagawin ko.
094239***** – Sir, ang ganda ng programa ninyo. Isa po akong taxi driver dito sa Cebu. Sana po matigil na po iyong panghihingi ng pera ng mga pulis at guwardiya dito sa Cebu airport. Humihingi sila ng pera sa mga taxi driver kapag pumasok sa pila ng airport. Salamat po.
094352***** – Sir, may mga pulis na naman po na nasa Ermin Garcia na namamara ng mga motor. Wala naman pong karatula ng PNP checkpoint. Napapadalas na po ito, minsan HPG naman ang nasa Aurora.
090579***** – Concern lang po ako sa pagkuha ng Police Clearance sa loob ng presinto may sinisingil 75php pero walang resibo. Dito po iyon sa Rosario at Tanza, Cavite.
090812***** – Mr. Tulfo, isasangguni ko sana iyong madalas na holdapan at snatching dito po sa aming lugar sa Balintawak Bridge, sakop po ito ng Brgy. Balingasa, Quezon City. Grabe na po talaga. Ang kinakatakot ko po iyong mga anak ko, tatlong estudyante diyan dumadaan sa nasabing lugar. Sana po magkaroon ng pulis sa lugar na na iyan. Aasahan ko po ang katugunan ninyo. Salamat po.
093948***** – Idol, isusumbong ko lang po ang mga pulis sa Parañaque dahil hinuhuli nila iyong mga truck na dumadaan pero wala naman silang mga paniket. Tama po bang manghuli sila ng wala naman silang dalang mga paniket?
094758***** – May gusto po akong ireport sa inyo na talamak na sugalan dito sa may GMA, Cavite dahil hindi mahuli-huli at maipasara ang pasugalan na ito dahil may mga protektor na pulis. Sana po ay maimbestigahan ninyo.
092126***** – Isa po akong concerned citizen at irereklamo ko lang po ang ilang mga PO1 dito sa MPD Station 1 sa Tondo dahil kapag sumisita ng motorista ay pinasusunod pa nila sa presinto dahil walang mga paniket na dala.
Ang Wanted Sa Radyo ay napakikinggan sa 92.3 FM Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na napanonood sa Aksyon TV Channel 41.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-87-TULFO at sa 0917-7-WANTED.
Shooting Range
Raffy Tulfo