AKSIDENTENG NAKITA namin si Neri Naig sa isang audition para sa dalawang international movie kamakailan lang. Desidido na palang mag-comeback ang young actress na for a time ay nag-stop muna sa showbiz at ipinagpatuloy ang pag-aaral. HRM graduate na ang dalaga at gaya ng kasabayan niyang si Roxanne Guinoo na nag-asawa’t nagkaanak, na-miss din ni Neri ang showbiz. Nasa panga-ngalaga na siya ng DMV Entertainment under its owner Manny Valera.
Kailan lang ay nasulat na siya na ang bagong apple of the eye ni Chito Miranda na ex-bf naman ni Kaye Abad. ‘Yun lang, hindi pa raw siya natatanong tungkol dun.
“Yeah, kami ni Chito. Almost 6 months na rin ang relasyon namin and for us, we had a very smooth and a beautiful relationship. Wala namang pressure. I mean, kung tungkol kay Kaye na matanong ako na after her ako na ‘yung GF ni Chito, okey lang, wala na sila nu’ng naging kami na. Walang isyu na nang-agaw ako or ako ang third party kasi sobrang tagal nang wala na sila bago ako niligawan ni Chito,” diretsong tsika sa amin ni Neri na lalong mas gumanda pa ngayon.
Ready na ba siya sa mas matured na role? Or magpapa-sexy na rin ba siya?
“Matured role like acting talaga…’yun. Pero sexy? Teka lang, how sexy?” sey pa ng dalaga na nanlalaki ang mata.
“If kissing scene at kung kailangan, I’m ready pero not naman ‘yung maghuhubad ako. Kissing scene is okey basta’t hindi naman ‘yung garapal. Pagdating sa love scene, teka lang ulit… hahaha!” tawa pa ng dalaga.
“’Eto nga, itong movie na inu-audition ko ngayon, sana makuha ako kasi sobrang ganda ng story. Isa ito sa hinahanap ko at gusto kong gawin. May mga sexy scenes nga lang kaya medyo nakakakaba. Pero kung makukuha ako, siguro pag-uusapan,” sabi pa ni Neri.
Paano kung nakuha siya at required talaga ang mga sexy scenes na hindi puwedeng alisin, is she willing to do it?
“Bahala na. Pero gusto ko ito, eh. Sige na lang!” nakangiting sagot sa amin ni Neri.
NAKAUSAP NAMIN ang mahusay na character actor na si Mon Confiado, at nalaman naming kasama pala ito sa ginagawang indie film ni Dingdong Dantes at ng Hollywood actor na si Patrick Bergin, ang Dance of the Steel Bars. Interesting ang nasabing movie dahil tungkol ito sa Cebu dancing inmates. Siyempre pa sa Cebu ang location nito. .
“Nakakanerbiyos na isang sikat na Hollywood actor ang kasama mo, tapos may Dingdong Dantes pa! Mai-starstruck ka sa kanila dahil ang gagaling nila at wala pang kaere-ere. Si Dingdong, best actor na at given na ‘yung kabaitan niya at marunong makisama sa lahat. Eh, may Patrick Bergin pa na napaka-professional at okey ring kasama. Enjoy kaming lahat sa set.
“Kasama namin sina Ricky Davao, Kathleen Hermosa at iba pang local actors from Cebu. Director namin sina Cesar Apolinario at Marnie Manicad,” kuwento sa amin ni Mon.
Eniwey, isa si Mon sa pinaka-in demand nating character actor na paborito ng ating mahuhusay na direktor. Sabay-sabay niyang ginagawa sa kasalukuyan ang Just One Summer ng GMA Films, starring Juli Anne San Jose and Elmo Magalona directed by Mac Alejandre, The Healing under Star Cinema with Vilma Santos and Kim Chiu directed by Chito Roño, Supremo, isang epic movie under Richard Somes, at Ben Tumbling, ang launching movie ng anak ni Gov. ER Ejercito, directed by Joven Tan.
Natapos na niya ang Captive na obra ni Brillante Mendoza, Pirata, isang gangster film with Ronnie Lazaro under Jon Red at ang Boy Scout Hero directed by Leonardo “Nardz” Belen.
Tinanong namin si Mon kung kumusta naman ang lovelife niya? May panahon pa ba siya dun? Hindi kaya ang kabisihan niya ang naging dahilan kaya naghiwalay sila ng sexy star na si Ynez Veneracion na pinakamatagal niyang naging karelasyon?
“Pareho naman kaming artista, eh. So siguro may iba pang dahilan. Pero sa akin na lang iyon…hehehe. Saka mahal ko talaga ang trabaho ko, eh. Minsan, ilang tulog lang talaga ang ginagawa ko, kasi iba’t ibang location ang shooting ko pero walang reklamo. Never akong nagreklamo o naging cause of delay kahit patung-patong pa ang schedule ko. Timing lang iyan. Time management. Happy ako na hindi ako nababakante. Aangal ka pa ba samantalang andiyan na ang trabaho sa harap mo samantalang ‘yung iba ay naghahanap pa ng trabaho, ‘di ba?
“Alam mo, nasa dugo ko na talaga, eh. Gusto ko ang ginagawa ko, mahal ko ito kaya buong-puso ang ibinibigay ko rito.” sey pa ni Mon sa amin.
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer