ANG TINAGURIANG “new global internet TV network” o mas kilala sa tawag na Netflix ay dumating na nga dito sa ating bansa! Miyerkules noong isang linggo nang inanunsyo na nag-expand ang streaming pioneer na Netflix sa 190 bansa kabilang ang Pilipinas.
Grabe, parang kailan lang, taong 2007 ito nagsimula at ang Netflix ay nasa US lang bilang sa California naman talaga ito nakabase. Dati isa lng itong DVD service na mail-order pa. Pero ngayon, available na sa Netflix ang mga award-winning original content na shows at movies. Hindi lang bagong mga shows at pelikula lang ang meron, siyempre mayroon din ‘yung mga luma. Kasi ‘di ba kadalasan, ‘yung mga lumang shows at pelikula ay atin ding hinahanap-hanap. Kaya naman hindi kataka-taka na kada buwan, mayroong 70 milyon subscribers ay nagbabayad ng monthtly fee para sa unlimited service. O, ‘di ba? Enjoy na enjoy mo nga ang panonod ng mga paborito mong pelikula at palabas nang tuloy-tuloy, hindi mo na kailangan pang maghintay na maging available ito sa cable n’yo o sa mga DVD. Teknolohiya nga naman, kakaiba na talaga! Kaya mga bagets, paniguradong tuwang-tuwa sa isang napakagandang balita.
Ang kinagandahan pa ng Netflix, kahit alam naman natin na ang English language talaga ang universal language sa buong mundo, magdadagdag pa rin sila ng suporta sa mga languages na marami ring gumagamit gaya ng Arabic at Korean language. Nakatutuwang isipin na umabot sa 17 languages ang kanilang sinusuportahan. Hindi lang makikinig at manonood ka sa iyong paboritong shows at pelikula, matututo ka pa ng kanilang wika at kultura.
‘Yun nga lang, ayon sa balita, 93% ng content ng US Netflix ay hindi available sa Pilipinas. Marami-rami na rin na nasa listing ng Pilipinas ay matagal ng phase out sa US Netflix. Isa pa sa nakikitang problema sa pag-e-ennoy ng Netflix ay ang hindi makasabay na internet speed sa ating bansa. Hindi ba ‘yan ang numero uno na iniinda ng mga bagets? Ang mahal na presyo pero mabagal na internet speed. Dagdag mo pa ang wala nang unlimited internet service sa bansa. Hay, iyak na tayong lahat.
Kaya isaalang-alang din ang mga bagay na aking nasabi bago mag-monthly subscribe sa Netflix. Para naman hindi ka magsisi bandang huli. Pero malay natin, baka naman dahil kasisimula pa lang ng Netflix sa bansa kaya lumalabas ang mga ganitong problema. Baka kinalaunan, ito ay maresolba na. Malay natin, ang susunod na mga uupo sa gobyerno ay gawin nang unlimited service ang internet sa bansa, wala nang data cap, mas mabilis pa, at mas mura pa. Kaya mga bagets, sabi nga ng Netflix, chill. Chill din tayo. Maging positibo lang, ang mahalaga, Netflix ay narito na. Magsusunud-sunod na ang magandang balita.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo