HAYAGAN AT PRANGKAHANG sinabi ni Kris Aquino sa launching ng kanyang fifth full-length studio album titled My Heart’s Journey under Universal Records na magkaibigan lang sila ni Diether Ocampo at walang mas malalim pang namamagi-
tan sa kanilang dalawa.
Buwelta pa nito sa mga nang-iintriga sa kanya, kung may espesyal na relasyon daw silang dalawa ani Diether, ‘di dapat ay hindi na sila napagkikita pang dalawa na magkasama sa mga events na kanilang dinadaluhan. Magtatago na lang daw sila sa bahay niya para hindi matsismis.
Sa ngayon daw, dala na si Kris sa pakikipag-relasyon, kaya naman daw favorite line nito ang ‘never again’. Masyadong maraming pag-ibig na raw ang kanyang dinaanan na halos lahat ay ‘di na-ging maganda ang resulta, kaya naman daw sa pagkakataon ngayon, hinto muna siya sa pag-ibig at aatupagin na lang ang kanyang trabaho at mga anak. Kabog!
TINATAWANAN NA LANG daw ng kaibigang Arnell Ignacio ang kontrobersiyang dinadaanan ngayon kaugnay sa pangongotong sa kanya ng tatlong pulis na walang takot nitong idinemanda.
Tsika ni Arnell na hindi niya inakalang napakalaking isyu pala ang kanyang pinasukan, kaya naman daw bigla-biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay. Kung dati-rati raw, malayang nakakarampa ito sa kung saan –saan niya gustong pumunta, ngayon daw ay kailangang may bodyguard na siya, dahil nga naman hindi nga raw natin alam ang puwedeng ibuwelta sa kanya ng mga pulis na kanyang idinemanda.
At kahit nga raw ang anak niya ay may sarili na ring bodyguard at hindi na rin puwedeng umalis-alis na mag-isa. Hindi naman daw natatakot si Arnell sa nangyayari sa kanya sa ngayon, handa naman daw siyang lumaban hanggang sa dulo, dahil alam niyang tama naman ang kanyang ipinaglalaban. Biro nga nito na hindi porke’t bakla siya ay memenos-menosin na lang ng mga pulis na nakabangga. Ibang klaseng bakla raw siya, dahil siya ang tipo ng bading na palaban.
WALA NA TALAGANG maka-kapigil pa sa paggawa ng pangalan abroad ng Pinoy Canadian Idol 2008 Finalist na si Ramil Omosura dahil mula sa pagiging international singer ay pinasok na rin nito ang pagiging record producer sa Canada via Ecclesiastes Entertainment Production, kung saan dalawa na ang kanyang in-house recording artists – ang tinaguriang Vancouver’s Sweetheart na si Ethel Rose Amistad (A Life Story) at ang Canada’s Little Girl with a big voice na si Geena Geneza (Inspiration).
Tsika ni Ramil, ‘di naman daw siya titigil sa pagkanta dahil nakatakda rin siyang magkaroon ng kanyang album within the year bukod sa pag-arte nito sa mga Hollywood films at pagko-concert kasama ang ilan sa mga international singers. Gusto lang daw nitong tulungan ang mga kapwa niya artist na at the young age, kinakitaan nito ng potential to make it big sa mundo ng musika.
Bukod sa pagpo-produce ng album, producer na rin ito ng mga shows sa Canada at nakatakda nga nitong dalhin sa Canada ang sikat na Pinoy reggae singer/comedian na si Blakdyak sa June at ang international singer na si Jay Z, at ilang maniningning na singers sa Pilipinas at sa Hollywood.
John’s Point
by John Fontanilla