BLIND ITEM: MATATAWAG na forthcoming ang noon pa ma’y napapabalitang pag-alis ng sikat na singer-actress mula sa isang TV network, as we have heard about it more than a hundred times equivalent to her weight.
Isa kasi sa mga ipinagsisintir ng personalidad na ito ang aniya’y kawalan niya ng regular na programa sa istasyon, comparing herself to an equally popular network talent. Base na rin sa mga ibinigay na show sa aktres na ito ay ang mga panandaliang programa in recent memory: isang singing search at isang franchise show, both seasonal.
Samantalang ang kapwa niya network talent din naman seems to enjoy more exposure than her, bagay na matagal na niyang inirereklamo. Worse, the “deprived” actress felt there had been an “underground handiwork” within the TV station allegedly perpetrated by her fellow talent para ito ang mas bigyan ng trabaho kesa sa kanya.
In that case, mas matalim ba ang sandatang kris sa me ganitong sitwasyon?
MALAKI AGAD ANG ibinagsak ng katawan ng batikang choreographer at TV director na si Lito Calzado o Tatay Lito sa kanyang mga katrabaho mula nang dapuan ng liver cancer.
Three days before his death (Direk Lito expired at 12:30 last Friday at the age of 65), nakapanayam pa ni Butch Francisco ang anak nitong si Iza Calzado. Halatang todo-iwas ang aktres whose seriously ill dad at that time was still confined at an undisclosed hospital.
Pero inamin ni Iza na malubha ang kanyang ama, tanging sandata na lang na nagbibigay-lakas ng loob sa kanya is her positive outlook in life. Ani Iza, “Life goes on everyday. Every day is a new day.”
Tandang-tanda pa namin ang isang instance kung saan Direk Lito proved assertive of his rights as a proud father to Iza. Naganap ang aming huddle near the GMA canteen, kung saan magkahalong lungkot at pagkainis ang kanyang nararamdaman sa pagiging dehado raw ni Iza sa isang film project.
Kung tutuusin daw kasi ay isa rin sa dalawang bidang babae si Iza, but the way the project was being promoted ay mas nabibigyan daw ng importansiya ang kasama nitong cast member. Ikina-upset din daw ‘yon ni Iza, na noo’y balak na huwag siputin na lang ang preem showing nito.
Pinatunayan lang ni Direk Lito na wala siyang hindi gagawin para sa anak, although in fairness to him, he was never the stereotype stage father who would push his daughter to every available career opportunity commensurate to her gamut of talents.
Direk Lito let Iza be on her own, proving her self-worth nang hindi nakasunod palagi sa anino ng ama na naging matagumpay sa kanyang larangan.
BASKING IN THE twin victory scored by our bets to the Miss Universe and Miss World this year, ito ang inspirasyon sa likod ng gaganaping Christmas party for the press ng ABS-CBN.
The search is on for My Girl 2011, kung saan the TV station has enjoined all the publication editors to field their respective candidates, mapa-beki o totoong boylet.
As in every year, the Kapamilya Network never fails to conjure up gimmicks to spice up the event, actually its sincere way of thanking the entertainment press for all the help sa kanilang mga proyekto.
At para sa taong ito, up for grabs is a whopping P15,000 for the titleholder, P10K for the runners-up and cash prizes para sa mga hindi papalarin. So, Kuya Dan, who among your columnists will you handpick to represent Pinoy Parazzi.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III