ISA NA MARAHIL sa ‘travel goals’ ng mga local at foreign tourists ng Pinas ang makapagswimming at makapagrelax sa new and improved Boracay Island. Marami kasi ang talagang bisyo na ang pagpunta sa islang ito para makapagparty at makapag-good time.
Dahil na rin sa pagpapabaya ng mga turista at business owners ay napilitan ang gobyerno na isara ito. Ayon sa mga artistang nakapunta na simula nang magbukas ulit ito sa publiko noong Oktubre ay malinis na muli ang ipinagmamalaking white beach ng isla.
Bago kayo magbook ng flights papuntang Caticlan o Kalibo, mas mabuti siguro kung basahin niyo muna ang mga bagong rules and regulations ng Boracay.
1. SIGURADUHIN NA MAY HOTEL BOOKING KA! – Kung noon ay puwedeng-puwede na mag-walk in lang at rumampa sa Boracay kung feel mo, this time ay dapat may puweba ka na meron ka nang hotel sa Boracay. Ang pinakamagandang gawin ay magbook ng kuwarto in advance sa mga reliable booking sites tulad ng Agoda. I-double check din kung accredited na ang hotel na tutuluyan mo dahil no booking, no entry!
2. GOODBYE SA PUBLIC SMOKING AND DRINKING – Kung noon ay free as a bird na manigarilyo at uminom sa beach, ibahin niyo na ngayon dahil hindi na ‘yan papayagan. Puwede niyo naman gawin ito sa mga resorts kung saan kayo naka-check-in.
3. HINAY-HINAY MUNA SA WATER SPORTS – Habang ongoing pa rin ang rehabilitation ng Boracay ay hinay-hinay din muna ang pagpayag sa mga water sports na kinahiligan ng mga bisita noon. Asahan na ngayong 2019 ay mas madadagdagan na ang water sports na hinahanap-hanap niyo.
4. BANTAY-SARADO NA ANG SAND CASTLES – Markado na sa isla ang mga sandcastles na ginagawa ng talentadong Aklanon na may nakasulat na ‘Boracay’ at petsa kung kailan ito ginawa. Suwerte niyo na kung may makita kayong ganito habang nagmomoment sa beach.
5. BAWAL KUMAIN SA BEACH – Kung noon ay halos maabot na ng tubig-dagat ang outdoor restaurants, ngayon ay ipinagbabawal na ito. Mabuti naman!
6. NO MORE FIRE DANCING – Nakakalungkot man pero goodbye na rin tayo sa fire dancers na naging trademark na rin ng Boracay. Nakakaapekto din kasi ang Kerosene kaya bilang alternatibo ay may mga glow poi na safe for the environment.
Maganda ang turismo sa bansa, pero dapat din natin matutunan na alagaan ito. Good move na rin ang mahirap pero nararapat na pamamaraan ng pagkontrol ng turista sa Boracay. Narito ang ilan sa mga Boracay Hotels na nagustuhan namin:
- Discovery Shores Boracay – Kung may budget ka at willing ka mag-splurge para sa luxurious time, Discovery Shores Boracay ang swak sa’yo! Sa katunayan, maraming artista ang nakapunta na rito at latest ay ang one and only Vice Ganda. Push mo ‘yan!
- Astoria Current Boracay – Located in Station 3, konting tumbling lang ay achieve mo na agad ang gandara ng beach!
- Agos Boracay Room and Beds – Kung gusto mo naman na nasa quiet side at kasama moa ng pamilya o barkada, this is the best place to be!
Check more Boracay Hotels and Resorts na sakto sa budget na kaya ng bulsa.
Travel and Lifestyle