MASISISI mo ba sina Arjo Atayde at Maine Mendoza kung may ‘spark’ ang friendship ng dalawa?
Yes, hot item sina Arjo at Maine nang maispatan sila na nagtsi-tsikahan habang kumakain during a meal break sa shooting ng Metro Manila Film Festival 2018 enty nina Coco Martin and Bossing Vic Sotto na Jack Em Poy: Puliscredibles, kung saan naka-post sa social media na naging viral agad ang picture ng dalawa.
Dahil OA (Over Acting) ang mga AlDub fans nina Maine at Alden Richards, initial reactions ng mga ‘luningning’ ay i-bash nila si Arjo na guwapo, lalaki at single sa kagustuhan nila at ipinipilit pa rin ang Alden-Maine “real romance’ gayong wala naman talaga.
Ewan ko kung bakit ayaw pa rin nila kumawala sa ilusyon na sila din naman ang may likha gayong oks naman na sina Maine at Richard ay may kanya-kanya at magkaroon ng solo career at pumareha sa iba (tawag ko sa mga ganun mga tagahaga ay selfish).
Kalurkey. May ganun pa rin pala na mga fans na hindi pinapatawad na ang nakita ng publiko sa photo na naka-post online ay nagwawalwal na agad sila.
Parang ang ‘Poon” at miyembro ng kanyang kulto (na knows n’yo naman kung sino) na iisang anggulo lang ang nakikita.
Yes, Arjo and Maine are friends. Mas naging close sila during the shooting of the film na normal lang naman. I don’t see anything wrong.
Hindi man direstsahan na pinangalanan ni Ria Atayde, young sister ni Arjo ang isa niyang mensahe sa socmed: “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for. Just my two cents,” ay mai-interpret mo na gusto niya ang tinutukoy na girl para kay guy.
The last chiz on Arjo’s love life ay nali-link siya sa isa sa mga member ng grupong ‘GirlTrends’ na si Sammie ‘Something’ na ewan ko kung sila pa rin or tunay na mayroon sila.
Reyted K
By RK Villacorta