MADALDAL si Sharon Cuneta yesterday afternoon sa presscon niya para sa first indie film niya na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” na isa sa mga entries sa nakaraang Cinemalaya 2017 noong Agosto.
Sa pagkakataong ito ay magkakaroon ng commercial release ang pelikula ni Megastar. Mas na enhance ng Star Cinema ang kalidad ng pelikula na mapapanood na sa mga sinehan simula bukas, Wednesday September 6.
Maganda ang chikahan ng piling mga press people with Shawie yesterday. Ang ganda ng flow ng daldalan with Sharon na kahit masama ang pakiramdam ay humarap pa rin sa media.
As expected, kung ikaw ang interviewer at siya ang subject, wala kang kahirap-hirap sa pagi-interview sa kanya dahil sa bawat kuda (read: salita) niya ay istorya.
Sa first part ng imterbyuhan, naikuwento niya sa mga naroroon na almost 8 years na ang huling pelikula niya Kung tama ng alaala ko, Mano Po 6 ng Regal Films ýong huli. “Medyo nagbe-break-in pa,” nangingiting kuwento ni Mega sa media.
Maganda ang karanasan ni Sharon sa paggawa niya ng indie film kung saan bumakas siya sa puhunan dahil gusto niya ang project.
Kuwento ni Mega na hindi itong “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” ang huli niyang project as co-producer ng isang isang indie film.
Naging maganda ang karanasan din ng aktres nang makatrabaho niya si Direk Mes de Guzman at ang ng character actress na si Moi Bien.
Hindi alam ng aktres na sa indie film at sa mga shooting ni Direk Mes, hindi uso ang tent na tambayan ng mga artista habang naghihintay ng kanilang eksena. Dahil special at VIP si Shawie, ang dating hintayan na sa kalye o sa ilalim lang ng puno ang waiting area ay ginawan ng paraan ni Direk Mes at nai-level up dahil isang Sharon Cuneta ang artista niya.
Sa experience ni Sharon sa pelikula, naging interesado siya na i-produce ang solo movie si Moi na plano pa na si Empoy Marquez ang leading man nito.
“Im interested to produce more indie films. I’ve talked to Tita Malou (Santos) of Star Cinema na pwede ako mag-invest kahit hindi ako ng artista ng movie.” patapos ng Megastar.
Reyted K
By RK Villacorta