HINDI BAGO ang pagpapaseksi ng baguhan na si Bruno Gabriel sa telebisyo, lalo na sa mga pictorials niya.
No qualms si Bruno kung sakali may love scene or underwear scene man siya sa kanyang mga projects.
Paniwala ng baguhan na lahat ay trabaho lang. “It’s part of a job. There’s nothing wrong if you go sexy in a scene or in an underwear,” sabi nito sa amin during the grand presscon ng bago niyang morning serye na “Ang Forever Ko’y Ikaw” na magsisimula na mapanood sa March 12 bago ang Eat Bulaga.
Hindi naaasiwa si Bruno if ever his scene requires him na mag-underwear sa eksena. Sabi ng manager niya na si Neil de Guia: “Sa Bench show maga-underwear siya. Not a big issue for him,” palinawag ng manager sa amin.
Sa bagong pampakilig serye ng GMA-Kapuso Network, may bagong ka-loveteam si Bruno sa katauhan ni Ayra Mariano na gumaganap as Marione na anak naman ni Ginny played by Camille Parts.
Sa serye, Bruno portrays the role of Benjie na anak ng single dad na si Neil Ryan Sese.
“I enjoyed working with the casts. Ökey si Ayra. Good vibes kami,” pagkukuwento pa ng binata.
Nang tanungin kung may inililihim siyang “sex video” tulad nina Joross Gamboa at Michael Pangilinan na naglabasan at naging viral online nang makilala sila at sumikat, panigurado ng binata: ”None at all,” sabi niya.
Reyted K
By RK Villacorta