NATAWA si Pokwang sa mga blind items na naglabas mayroon siyang bagong LAB. Yes, Regasco ang tinutukoy ng Kapamilya star na bago niyang LAB. Having Pokie as its first celebrity endorser, Regasco is excited to reach out to more and more homes in the many areas where it is available.
Malaking factor para sa comedy actress na mahilig siyang magluto kaya she was chosen to be the face of the brand plus her being doting mom to daughters Mae and Malia and loving partner to Lee O’ Brian.
Mahilig talaga sa pagluluto ang pamilya ni Pokwang. Maging ang anak nito na si Mae ay nagmana sa kanya sa galing magluto. “Next year may plano kaming magtayo ng restaurant sa Antipolo, “Kusina ni Mamang at Papang”. Filipino cuisine resto, hopefully middle of next year. Inuumpisahan ko na nga ‘yung mga timpla gagamitin.”
“Okra at balut.. favorite ‘yan ni Lee. Ampalaya con itlog, baby tinapa, gigi favorite din namin yan. Maging si Malia kumakain din ng okra, ayaw kong maging maselan siya sa pagkain,” sabi ni Pokie.
Ayon sa comedienne actress, paborito ng pamilya niya ang callos (Spanish food). “Masarap siyang kainin pero matrabaho, mahabang proseso. Marami siyang seremonia bago mo lutuin. Niluluto ko lang ito kapag may special occasion.”
Priority ni Pokwang ang kanyang pamilya. Paliwanag niya, “As much as possible, ayaw kong tumanggap ng trabaho kapag Sunday, family day ‘yan. Kapag Sunday nagsisimba kami para magpasalamat kay Lord sa mga blessing na dumarating sa amin. Nagluluto ako at sabay-sabay kaming kakain. Bonding moment namin ng pamilya.”
Kapag walang shooting or taping si Pokie, nasa bahay lang ito at busy sa kusina, pinagluluto ang kanyang pamilya. “Maging si Lee nagluluto din siya, iba ‘yung putahe niya sa niluto ko. Kung minsan pa nga may mga showbiz friends na tatawag sa akin at nagre-request ng food. May taping or shooting sila near lang sa house ko. Lulutuin ko at ipapadala ko sa kanila.”
Hindi na mabilang ang dami ng endorsements ng Pambansang Mamang na si Pokwang. Three years ang contract niya with Regasco.
“Pokwang was very cooperative and easy to work with during the series of shoots for the campaign, not to mention her being punctual on the set. There’s no doubt for a possible renewal of her contract,” say ng Regasco big boss Ms. Anette Ty.