HINDI LANG puro mga baguhang talents ang ipinakilala sa entertainment press ng Asterisk Artist Management headed by Kristian Kabigting.
Ang ilan sa kanila ay familiar faces na sa showbiz tulad na lang nina Axel Torres na ka-batch ni Joshua Garcia sa PBB Teen Edition, Kamille Filoteo also from PBB na dating member ng Girltrends, Darwin Yu na nagbida na sa 1st Sem at Nico Nicolas na napasama na sa ilang pelikula ng Regal Entertainment.
Mas pinili nilang magpa-manage sa Asterisk para muling mabigyan ng chance sa showbiz. Baka nga naman sakaling magkaroon sila ng bonggang career sa hinaharap. Why not, di ba?
Kabilang naman sa mga fresh faces na ipinakilala din sa amin ay sina Enzo Santiago, Z Mejia, child actor Miguel Diokno, Christine Lim, Sam Cafranca, Hillary Tan, Ivan Morriel, Nina Flores, Karissa Toliongco, Carl Saliente, Ayumi Takezawa, Ronan Bearis, Hanna Balahadia at Princess Manaloto.
Ang ilan sa kanila ay lumabas na rin sa pelikula at ang iba naman ang TV commercial model.
Ginanap ang launching ng Asterisk talents sa Water Balance Events Place (Muntinlupa City) nitong March 1, 2020.
Ang Asterisk Artist Management is one of the subsidiaries of Asterisk Digital Entertainment Inc. Ngayong taon ay magsisimula silang mag-produce ng concerts at fan meetings ng ilang international artists. In fact, sila ang mag-aayos ng fan-meet ng famous Thai actors na sina Off Tumcial at Gun Atthapan sa May. Pangangasiwaan ito ng Asterisk Events.
Magpo-produce din ang Asterisk ng digital content na ipapalabas sa kanilang Youtube channel (Asterisk Digital TV). Five TV series din ang ipoprodyus ng kompanya na ipapalabas sa TV 5.
Ang ganda ng goal ng Asterisk which is “to give chance to all aspiring actors and performers in the entertainment scene and to continiue in making dreams come true.” Hindi magiging madali ang lahat for Asterisk at sa mga talents nila pero let’s hope na mag-succeed ang kanilang partnership.