New Year’s Resolution ng Inyong Favorite Stars!

SA PAGTATAPOS ng Year 2011! Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang binibitawang salita… mga salitang nagsasabi ng mga bagay o gawi na handa nang talikuran sa pagpasok ng bagong taon… mga pangako na gustong tupdin sa buong taon… na kung minsan ang iba’y nagtatagumpay na ito’y maisakatuparan, habang ang iba nama’y nabibigo.

Kahit ang inyong mga hinahangaan at paboritong mga artista ay may kani-kaniyang New Year’s resolutions din. Kaya naman halina’t alamin kung anu-ano ba ang mga ito. Mga pangako sa kani-kaniyang sarili na hindi na nila gagawin pa sa pagsipa ng 2012! Mga pangakong maaaring hindi natupad last year na ipagpapatuloy ngayong 2012, ang Year of the Dragon, at pipiliting matupad.

Ai-Ai delas Alas

Sa sobra-sobrang suwerteng ipinagkaloob ni Lord sa akin last year, sobra-sobrang pasasalamat din ang hatid ko sa kanya.

Wish ko na this year ay maging kasing-suwerte rin ako at mas dumami pa ang projects and more movies to come.

Sarah Geronimo

Magkaroon po ng konting oras sa pamilya ko, ‘yung po ‘yung isang New Year’s resolution ko! This past few months po kasi, masyado akong naging busy sa sobrang hectic schedules ng trabaho ko,kaya lagi na lang akong nasa labas at nagtatrabaho at walang masyadong time sa pamilya ko. Pero this coming year, mag-a-allot ako ng time para naman makapagsama-sama kaming buong pamilya. Wish ko na sana mas maging mas maganda pa ang takbo ng career ko at sana magkaroon ako ulit ng another teleserye at successful concerts.

Iza Calzado

Sa Career? Right now naman kasi ay going smooth ang career ko at maraming projects ang ginagawa at gagawin ko pa. Sana lang siguro, magtuluy-tuloy ang pagdagsa ng projects sa akin this year sa telebisyon, pelikula at TV commercials.

Paulo Avelino

Wala naman akong gustong baguhin sa pagpasok ng taon. Siguro ipagpapatuloy ko lang ang pagiging workaholic ko, dahil gustung-gusto ko talaga ang laging may trabaho at mas pagbubutihin ko pa ang aking trabaho para nang sa gano’n ay mas dumami pa ang project na darating sa akin sa 2012.

Erich Gonzales

First siguro, magkaroon ng time para sa sarili ko at sa pamilya ko kahit papa’no. Kasi last year, sa dami ng trabaho ko, kahit sarili ko, ‘di ko na nabibigyan ng oras. Second mas double effort na mapagbuti ko pa ang craft ko as an actress, mas mapaghusayan ko pa ang mga roles na maiatang sa akin, mapa-pelikula o telebisyon man.

 

Arnell Ignacio

Gusto kong mabago ‘yung ugali ko na pagiging sobrang mahiyain at iwas sa pagkain ng marami, mabilis ako tumaba. Minsan kasi nawawala ako sa sarili ko at kain nang kain kahit alam kong tabain ako. Sa career naman, sana mas maging fruitful pa ang Year of the Dragon sa akin, more projects on TV at mas maging successful ang mga business ko, less controversy, ‘yun na!

Sheena Halili

Wala naman pong masyado, kasi almost this year natupad ko na ‘yung mga New Year’s resolutions ko. Siguro ‘yung ipagpatuloy ko kung ano man ‘yung nasimulan ko… more time with my family.

Arron Villaflor

More time sa family, kasi this year medyo naging busy ako sa dami ng raket! Siguro this coming year, mas magiging concentrated ako sa family ko, pero tuloy pa rin ‘yung trabaho. Mahirap naman kasing basta-bastang talikuran kung ano ‘yung nasimulan mo na, mahal at gusto mong gawin.

Arci Muñoz

Siguro mas pagbutihin pa ‘yung trabaho ko! Sa acting at kahit sa recording side, para naman mas dumami pa ang trabahong dumating sa akin this coming year.

Benjamin De Guzman

I don’t think na meron pa akong dapat baguhin sa sarili ko, kasi I know and I feel na wala naman akong ginawa o nagawa na hindi maganda para sa kapwa ko. Siguro lang kung may gusto man akong mangyari sa akin this coming year, is to have more projects sa TV, outside shows at movies.

Rhen Escano

Siguro mas mag-concentrate sa trabaho ko! This past few months kasi parang nilalaro ko lang ‘yung mga projects na dumarating sa akin. Pero sa pagpasok ng bagong  taon, mas magiging focus na ako sa mga trabahong ibinibigay sa akin. Wish ko lang na sana mas dumami pa ang projects na dumating sa akin sa 2012.

Mark Herras

More focus sa career, kasi I’m so blessed this year dahil sunud-sunod ang dating ng suwerte sa career ko. Kaya naman this coming year, mas doble effort ako, para mas dumami pa ang projects na dumating sa akin.

Kristoffer Martin

Kung ang laging sinasabi nila (critics) na medyo ‘di raw okey ‘yung PR ko dahil suplado raw ang dating ko, siguro this coming year, susubukan kong mas maging ma-PR, para naman ‘di na ako maakusahang suplado. Shy person kasi ako, kaya naman ‘di ako masyadong palabati, especially ‘pag ‘di ko gaanong kilala ‘yung tao. Pero ngayon naman, ‘di na ako masyadong mahiyain at nagiging palabati na ako. Siguro para sa iba, kulang pa, pero promise ko sa year 2012, mas magiging friendly na ako. Wish ko na sana mas maging maganda ang takbo ng career ko ngayong papasok na taon.

Hiro Magalona

‘Di naman ako naniniwala sa New Year’s resolutions, nasa tao naman kasi ‘yan. Nasa tao naman kasi ‘yung pagbabago! Ikaw naman kasi yung hari ng sarili mo at ang lahat ng bagay na ginagawa mo at gagawin mo ay ikaw ang nagdidikta. Kaya mas magandang gawin mo na lang kung ano mang pagbabagong gusto mong gawin sa sarili mo na hindi mo na kailangang gawing isang pangako na gagawin mo sa loob ng isang taon. Ako kasi, kung may gusto akong baguhin o gustong gawin sa sarili ko, ginagawa ko na lang at hindi ko inaasa sa panga-pangako. Mahirap kasing ang isang pangako ay mapako, dahil ‘di mo kayang gawin, ‘di ba? Wish ko lang na sana na mas gumanda at mas dumami pa ang trabaho ko this year.

Kris Lawrence

Wala naman akong gustong baguhin sa sarili ko. Siguro wish ko lang na this year, dumami ‘yung projects ko sa TV, recording, concerts, movies at out-of-town shows.

Mike Tan

Siguro this year, “less talk” para hindi ako napapagbintangang “taklesa”! Iiwasan kong maging sobrang straight at prangka sa mga bagay na gusto kong sabihin, para iwas-gulo ako at makasakit ng damdamin ng ibang tao nang hindi ko naman intensyon, at sinasabi ko lang naman kung ano’ng nararamdaman ko.

Meg Imperial

Gusto kong baguhin ‘yung pagiging sobrang tahimik ko at prangka sa pagsasalita. Minsan kasi, marami ang namimis-interpret ‘yung pagiging ganito ko. Sinasabi nilang suplada ako na hindi naman totoo. Sa career? Okey naman ang takbo ng career ko at hindi ako pinababayaan ng TV5. Siguro, kung may hihilingin ako this coming year, ‘yun ‘yung mag-continue sana ang blessings na dumarating sa akin.

Vaness Del Moral

Sa ugali? Ano ba ang dapat kong baguhin? Siguro ‘yung pagiging taklesa. Kasi ‘yung iba, akala nila nagsusuplada ako, pero if they just know me, napaka-sweet kong tao. Ganoon talaga kasi ako, sinasabi ko kung ano’ng gusto kong sabihin.

Shalala

Ugali? Siguro ang gusto kong baguhin ‘yung pagiging open ko sa lahat ng nakakausap ko. Kasi minsan, ‘pag nagkuwento ka, iba ‘yung nakakarating sa iba, may dagdag, kaya nasasangkot ako sa gulo at tsismis. Sa career? More regular TV shows. Right now naman kasi, medyo maganda ‘yung tinatakbo ng career ko. Sana lang this year, mas maging maganda pa ‘yung takbo ng career ko.”

Teejay Marquez

Siguro ‘yung paglabas-labas. Kasi, minsan ‘pag nakita kang gumigimik, binibigyan na ng kulay. ‘Yun lang siguro ang gusto kong baguhin. More projects to come and sana magka-award ako ulit, pero this time sa acting naman.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleMy Dream Outfit
Next articleNakapag-taping na good for 3 weeks: Kontrobersiyal young actress, pinagpapahinga na muna!

No posts to display